^

PSN Showbiz

Katya pababawasan ang boob nya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nabibigatan si Katya Santos sa kanyang malulusog na boobs. Gusto niyang pabawasan ito dahil umaabot na ito hanggang kilikili niya.

Gusto rin niyang maging proportion ito sa kanyang katawan. Abala ngayon sa promosyon ng Utang ng Ama ng Maverick Films ang sexy star.
Nakuha Sa Dasal Ang Panalo
Habang tinatawag ang mga nominado sa Best Drama sa katatapos na Star Awards for TV ay nakapikit si Snooky Serna at tipong nagdarasal habang hawak siya sa kamay ng kanyang ina. Halos maiyak ito sa tuwa nang tawagin ang kanyang pangalan. Inamin nito na talagang nagdasal siya ng husto at nag-novena pa para manalo. Sabi nga nito ay para siyang nagdaan sa butas ng karayom dahil puro magagaling ang mga kalaban niya lalo na sina Lorna Tolentino at Nora Aunor.
Angelika-Jericho, Nagkita Na!
Nag-taping na para sa Station ID ng Dos si Angelika dela Cruz noong Sabado bago pumunta sa awards night ng PMPC. Nagkita sila sa taping ni Jericho Rosales na naging ka-MU niya noon. Ano ang naging reaksyon ng magandang aktres? "Okey naman at nagbiruan pa nga kami kung saan natutuwa rin siya dahil magkakasama na kami sa Sana’y Wala Nang Wakas. Maganda naman ang role ko rito at hindi lang paningit. May ilang shows ako gaya ng ASAP Mania," aniya.

Isa rin sa mahalagang dahilan kung bakit lumipat ito sa Dos ay gusto niyang makagawa ng pelikula under Star Cinema kung saan pinasikat ang pagiging magka-loveteam nila ni Echo noon. Naging frozen delight ng Viva Films si Angelika at ang ibinibigay namang project sa kanya ay mga pang-bold o sexy movies na hindi niya kayang gawin.
Diwata, Naghimatay-Himatayan?
Maraming nagtatanong kung hindi raw ba gimik lang ang pagkahimatay ni Diwata sa launching ng kanyang album under Concorde Records. Bago nagsimula ang kanyang mini-concert ay nakipagkwentuhan pa ito sa mga press people na kung kailan ay nasabi niyang wala pa siyang tulog at hindi pa kumakain.

"Ikalawang beses na po itong nangyari sa akin dahil noong dancer pa lang ako sa Barangay Dance Troupe ay hinimatay din ako.

"Hindi rin ako kumain at natulog dahil I want to lose weight," aniya.

Loveless pa rin ang tinaguriang "Sisid Queen" at umaasa na sana’y magka-boyfriend na para magkaroon naman ng inspirasyon.

Pagtutuwid:
Nabalita sa showbiz na yumao na si Melchor Bautista na miyembro ng Philippine Movie Press Club dahil sa karamdaman. Nagpapagamot ito sa kasalukuyan at buhay pa ito kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga kamag-anak sa Quezon.

vuukle comment

ANGELIKA

BARANGAY DANCE TROUPE

CONCORDE RECORDS

JERICHO ROSALES

KANYANG

KATYA SANTOS

LORNA TOLENTINO

MAVERICK FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with