^

PSN Showbiz

Sa Linggo, nasa ASAP na si Angelika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi maganda kina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ang plano ng ABS-CBN na isama sa Sana’y Wala Nang Wakas si Angelika dela Cruz kapag pormal na ang paglipat nito sa istasyon. Lumalabas na hindi na nila kayang dalhin ang pinagbibidahan nilang soap opera at kailangan ang tulong ni Angelika.

Hindi na raw umabante ang rating ng SWNW mula nang mabulgar ang relasyon nina Jericho at Cindy Kurleto at ang kina Kristine at Marvin Agustin. Ang rating ng SWNW ang itinuturong dahilan kung bakit hindi pa magawang maamin nina Jericho at Cindy ang kanilang relasyon. Naalala nga naming nakipag-eye-to-eye contact pa si Cindy nang i-deny na item sila ni Jericho (hindi rin naman kami naniwala sa kanya) para siguro ipakitang hindi siya nagsisinungaling.

Balitang bukod sa SWNW ay ilalagay din ng Channel 2 si Angelika sa ASAP Mania at sa October 19 na ang unang labas niya sa nasabing musical variety show. Last appearance na raw ni Angelika sa SOP ng GMA-7 last Sunday dahil next Sunday ay taga-ASAP Mania na siya.
* * *
Nanonood kami ng isang show kamakailan nang dumating ang TV host at mga kaibigan para manood din. Binantayan ng mga kasama namin ang bawat kilos ng TV host dahil nasa likuran niya ang parents ng ex-girlfriend ng kanyang asawa.

Hindi na-disappoint ang mga kasama naming reporter dahil nakakuha sila ng balita. Hindi kasi binati ng TV host ang mga magulang ng singer-actress na dating minahal ng kanyang dyowa. Biglang nabulag at napipi ang TV host that night dahil hindi nakita ang mga nakaupo sa kanyang likuran.

Salbahe ang nagbigay ng complimentary ticket sa TV host at sa parents ng singer-actress. Obvious na gusto nitong mang-intriga dahil napakalaki ng venue, pero pinagtabi niya sa upuan ang tatlo.
* * *
Nabanggit ni Bea Alonzo sa presscon ng My First Romance na dumalaw sa shooting nila ni John Lloyd Cruz ang girlfriend nitong si Ciara Sotto. Itinaon daw ni Ciara na midnight break nila nang ito’y dumating at hindi rin ito nagtagal.

"Hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ng matagal. Hanggang "hi" at "hello" lang ang aming batian. Once lang nangyari ’yun at di ko naramdamang tsini-check niya si John Lloyd. I think she’s an understanding girlfriend at naiintindihan niyang trabaho lang ang love team namin ni John Lloyd," ani Bea.

Pinupuri rin ni Bea si John Lloyd dahil hindi nito ipinararamdam sa kanya na may girlfriend ito kapag magka-eksena na sila. Dalawang beses palang daw siya naging uncomfortable at nangyari ito nang kunan ang kissing scene nila sa KTKH at sa My First Romance. Kasama sa uneasiness ni Bea ay kung paano makikipag-halikan dahil hindi pa siya nahahalikan off camera at hindi pa siya nagkaka-boyfriend.
* * *
Sa nakita naming reaksyon ng tao sa UP Theater sa Star Awards for TV last Saturday ay mahal pa rin ng fans si Kris Aquino. Mula nang pumasok siya kasabay ni Korina Sanchez hanggang makalabas, tinatawag siya ng fans. Sinundan at inihatid pa ito hanggang makasakay ng sasakyan. May narinig pa kaming paulit-ulit na nagsabing "I love you Kris" na ikinangiti nito.

Napansin lang namin na may lungkot pa rin ang mga mata ni Kris matipid siyang ngumiti. Nanibago rin kami sa simpleng ayos nito that night mula sa suot na damit hanggang sa make-up. Pero, tiyak kaming babalik din ang dating masayahin at masiglang Kris Aquino isa sa mga araw na ito.

ANGELIKA

BEA

BEA ALONZO

CIARA SOTTO

CINDY

JOHN LLOYD

KRIS AQUINO

MY FIRST ROMANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with