Ayaw nang sumisid ni Diwata
October 14, 2003 | 12:00am
Matapos ang kanyang napaka-controversial na album launching na kung saan ay hinimatay si Diwata, may bagong taguri sa dating "sisid queen", "himatayin queen" pero, mas gusto niyang makilalang Born-Again Christian.
"Nagbago na po ako, iniwan ko na yung mga double meaning songs in favor of beautiful ballads. Kung napapansin nyo, pati ang pananamit ko ay nagbago na rin. Kung dati ay talop na talop ako, ngayon ay balut na balot naman ako. Pero, sa mga concerts ko, I can compromise, pwede akong mag-sexy. Wala namang masama rito," sabi ni Diwata.
Hindi na rin siguro niya babalikan ang pag-aartista. Traumatic ang kanyang pag-aartista kaya sa pagkanta na lang muna siya. Besides, puro bold naman ang offers sa kanya.
"Sayang dahil gusto ko pa namang maka-partner si Christopher de Leon pero, dahil sa nangyaring I feel na-exploit ako sa movies, hindi na rin ito magkakaroon ng katuparan," aniya pa.
Sa ngayon, magpu-promote muna siya ng kanyang newest album sa Concorde Records, ang "Sa Yo" na naglalaman ng five original songs and five revivals. Maganda ang rendition niya ng "Ang Tangi Kong Pag-ibig" pero, sana hindi nila pinalitan ang melody ng "Hinahanap Kita".
Napakasuswerte naman ng mga performers na lalabas sa magarbong pagdiriwang ng 50th Anniversary ng ABS CBN na magaganap sa October 17 sa PICC Plenary Hall, iginawa sila ng gowns ng 15 pinaka-tanyag na fashion designers sa bansa. Ang tatlong gowns na matutunghayan sa pahinang ito ay nilikha ni Edwin Uy para kina Bituin Escalante, Lana Jalosjos at Tex Ordoñez na aawit ng Broadway Medley sa programa.
Matutunghayan sa ANC, simula alas-6 ng gabi ang pagdating at parada ng mga bituin sa red carpet, na i-ho-host nina Jing Magsaysay at Pinky Webb.
Ang lahat ng pangyayari rito ay mapapanood sa isang two-hour special sa ABS CBN sa Oct. 26, 9:30 ng gabi.
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang dismayado sa naging resulta ng TV Star Awards. Lalo na ang isang kaibigan kong press na bago pa magsimula ang programa ay nagsabi na 32 ang makukuhang awards ng ABS CBN out of the 46 awards.
Paano kaya niya nalaman yun? Masyado naman siyang accurate, kung nanghula lang siya.
Obvious na may leakage dahil wala akong nakitang GMA bigwig sa awards night. Ipaliwanag mo ito, Mdm. Julie B.
Andun din ako sa Awards night pero, umalis ako. Di ko nakayanan yung isang grupo sa harapan ko na walang ginawa kundi kumuha ng photos, di ko na makita ang mga kaganapan sa stage. Napaka-formal ng affair para masingitan ng mga ganung nakakainis na pangyayari. Wala yata akong nakitang mga usherettes?
"Nagbago na po ako, iniwan ko na yung mga double meaning songs in favor of beautiful ballads. Kung napapansin nyo, pati ang pananamit ko ay nagbago na rin. Kung dati ay talop na talop ako, ngayon ay balut na balot naman ako. Pero, sa mga concerts ko, I can compromise, pwede akong mag-sexy. Wala namang masama rito," sabi ni Diwata.
Hindi na rin siguro niya babalikan ang pag-aartista. Traumatic ang kanyang pag-aartista kaya sa pagkanta na lang muna siya. Besides, puro bold naman ang offers sa kanya.
"Sayang dahil gusto ko pa namang maka-partner si Christopher de Leon pero, dahil sa nangyaring I feel na-exploit ako sa movies, hindi na rin ito magkakaroon ng katuparan," aniya pa.
Sa ngayon, magpu-promote muna siya ng kanyang newest album sa Concorde Records, ang "Sa Yo" na naglalaman ng five original songs and five revivals. Maganda ang rendition niya ng "Ang Tangi Kong Pag-ibig" pero, sana hindi nila pinalitan ang melody ng "Hinahanap Kita".
Matutunghayan sa ANC, simula alas-6 ng gabi ang pagdating at parada ng mga bituin sa red carpet, na i-ho-host nina Jing Magsaysay at Pinky Webb.
Ang lahat ng pangyayari rito ay mapapanood sa isang two-hour special sa ABS CBN sa Oct. 26, 9:30 ng gabi.
Paano kaya niya nalaman yun? Masyado naman siyang accurate, kung nanghula lang siya.
Obvious na may leakage dahil wala akong nakitang GMA bigwig sa awards night. Ipaliwanag mo ito, Mdm. Julie B.
Andun din ako sa Awards night pero, umalis ako. Di ko nakayanan yung isang grupo sa harapan ko na walang ginawa kundi kumuha ng photos, di ko na makita ang mga kaganapan sa stage. Napaka-formal ng affair para masingitan ng mga ganung nakakainis na pangyayari. Wala yata akong nakitang mga usherettes?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended