^

PSN Showbiz

Ara, may alas vs Aiko

-
Hindi na basta-basta papayag si Ara Mina na madawit na naman ang pangalan niya sa mga pagpapainterbyu ni Quezon City Councilor Aiko Melendez partikular na kung may kinalaman ito sa relasyon ng annulled husband nitong si Jomari Yllana.

Aniya, sa isang okasyon ay nakausap niya ang isang taong mapagkakatiwalaang may hawak ng susi na siyang makapagbibigay sa kanya ng alas para makabwelta sa lahat ng mga ipinaparatang o ibinabatong intriga sa kanya ni Aiko. "Kilala niya marahil ang taong tinutukoy ko. May kinakasama na nga ’yung tao ay pilit pa rin niyang kinakaray-karay kung saan-saan. Hindi niya naiisip na nakakasagasa na siya ng ibang tao. Lumalabas tuloy na parang humaharap lang siya sa isang imaginary mirror na kung saan sarili nito ang kanyang nakikita at inaakusahan.

"Wala naman akong nakikitang masama sa kanyang muling pakikipagkita kay Jomari. Bakit ako mai-insecure kung tungkol lang naman sa kanilang anak ang kanilang dahilan nang pagkikita? Wala namang masama, ’di ba?" — Boni A. Casiano

AIKO

ANIYA

ARA MINA

BAKIT

BONI A

CASIANO

COUNCILOR AIKO MELENDEZ

JOMARI

JOMARI YLLANA

QUEZON CITY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with