Young actress, mahinhin pero pinatutulog ang bf sa bahay
October 13, 2003 | 12:00am
Parehong sikat ang dalawang young celebrities na ito na magnobyo. Ayaw aminin ng young actress na boyfriend niya ang young actor. Lagi lang niyang sinasabing MU lang sila. Pero alam nyo bang may pagkakataon pala na natutulog ang young actor sa bahay ng young actress na ito na alam naman pala ng magulang ni babae? Ang dalawa ay parehong nakakontrata sa isang network. Magaling umarte ang aktor na madalas na ma-nominate sa award-giving bodies. Samantalang ang bagets na actress naman ay maraming TV show at nagsimula bilang child actress.
Akala ng iba ay nagli-live in na sina Oyo Boy Sotto at Alessandra de Rossi dahil lagi silang magkasama. Hatid-sundo sa taping at syuting ang ginagawa ng aktor sa kanyang girlfriend na si Alex.
Inamin naman ni Oyo Boy na hindi siya pabor sa live-in set up at naniniwala sa kahalagahan ng kasal kaya malabo raw na mag-live in sila ni Alex. Isa pa, patuloy pa rin ito sa kanyang pag-aaral.
Natuwa si Joyce Jimenez dahil natupad din ang pangarap nitong maipagpatuloy ang pag-aaral.
Nakapasa ito sa entrance examination sa Thames International Business School at ngayon ay kumukuha ng Business Administration major in Marketing.
Tatapusin niya ito sa loob ng apat na taon.
Mabuti naman at wala siyang pelikulang ginagawa at mga TV appearances lang ang pinagkakaabalahan kaya may panahon ito sa kanyang pag-aaral.
Magaling na artista si Snooky Serna, patunay nito ang pagkakapanalo bilang Best Drama Actress sa Star Awards for TV para sa Habang Kapiling Ka.
Samantala, malapit nang matapos ang soap opera niyang Habang Kapiling Ka. Kahit nade-drain ito sa kaiiyak sa nasabing soap ay enjoy pa rin ito at umaasa na sanay masundan pa ito ng another soap opera.
Inamin din ng aktres na mahirap ang pera sa panahon ngayon kaya kahit magdamagang puyat at pagod ang nadarama ay tinitiis niya para lang may kitain.
Maganda ang takbo ng career ngayon ng rumored gf ni Jericho Rosales na si Cindy Kurleto. Katunayan bukod sa pagiging mainstay ng MTB ay sa kanya na rin napunta ang dream role nina Judy Ann Santos at Anne Curtis ang Dyesebel. Handa rin itong magpa-sexy at takpan ng mahabang buhok ang kanyang malusog na dibdib.
Maraming nagtatanong sa akin kung hindi kaya posibleng magkabalikan na sina Mayor Joey Marquez at Alma Moreno ngayong split na ang alkalde at si Kris Aquino?
Ayon sa isang source, malabo na itong mangyari dahil mismong sa bibig ng aktres nanggaling na hindi na sila magkakabalikan pa ng dating asawa. Una, sobrang sakit ng loob ang idinulot ng kanilang paghihiwalay-idagdag pa ang Joey-Kris scandal. Higit sa lahat, balitang may bagong inspirasyon si Ness na isang konsehal ng Maynila na may-ari ng Imperial Dragon sa Mabini. Politicial advicer pa ni Ness ang binata kung saan magka-sing edad pa ang dalawa. Ito rin daw ang dahilan kung bakit blooming these days si Ness.
May nagtatanong din kung tatakbo pa bang pangulo si Fernando Poe Jr. sa darating na eleksyon? Higit ang naniniwala na nakapagdesisyon na itong tumakbo bilang pangulo kung saan balitang ang magiging running mate ay si Loren Legarda. Magandang kumbinasyon, di ba?
Ang gusto lang daw ni FPJ ay walang vested interest ang mga taong tutulong sa kanyang kandidatura.
Inamin naman ni Oyo Boy na hindi siya pabor sa live-in set up at naniniwala sa kahalagahan ng kasal kaya malabo raw na mag-live in sila ni Alex. Isa pa, patuloy pa rin ito sa kanyang pag-aaral.
Nakapasa ito sa entrance examination sa Thames International Business School at ngayon ay kumukuha ng Business Administration major in Marketing.
Tatapusin niya ito sa loob ng apat na taon.
Mabuti naman at wala siyang pelikulang ginagawa at mga TV appearances lang ang pinagkakaabalahan kaya may panahon ito sa kanyang pag-aaral.
Samantala, malapit nang matapos ang soap opera niyang Habang Kapiling Ka. Kahit nade-drain ito sa kaiiyak sa nasabing soap ay enjoy pa rin ito at umaasa na sanay masundan pa ito ng another soap opera.
Inamin din ng aktres na mahirap ang pera sa panahon ngayon kaya kahit magdamagang puyat at pagod ang nadarama ay tinitiis niya para lang may kitain.
Ayon sa isang source, malabo na itong mangyari dahil mismong sa bibig ng aktres nanggaling na hindi na sila magkakabalikan pa ng dating asawa. Una, sobrang sakit ng loob ang idinulot ng kanilang paghihiwalay-idagdag pa ang Joey-Kris scandal. Higit sa lahat, balitang may bagong inspirasyon si Ness na isang konsehal ng Maynila na may-ari ng Imperial Dragon sa Mabini. Politicial advicer pa ni Ness ang binata kung saan magka-sing edad pa ang dalawa. Ito rin daw ang dahilan kung bakit blooming these days si Ness.
Ang gusto lang daw ni FPJ ay walang vested interest ang mga taong tutulong sa kanyang kandidatura.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended