Joel Lamangan, the actor's director
October 12, 2003 | 12:00am
Sa dami ng mga naglipanang direktor sa lokal na pelikula, kataka-takang maraming artista ang gustong makasama sa mga pelikula ni Joel Lamangan. Kahit na libre, payag sila bastat makasama lamang sa pelikula nito. Feeling nila, kapag naidirek sila nito, made na sila.
Parang si Direk Joel na ang pumalit kay Lino Brocka bilang The Actors Director. Tulad ni Brocka na nagpakilala sa husay nina Aunor, Alajar, De Leon, Salvador, Garcia, Koronel at marami pa, humahaba na rin ang listahan ng mga artista na nanalo ng awards sa mga pelikula ni Lamangan. Isa na rito si Nora Aunor na kinilala ang talino sa Greece (Flor Contemplacion) at Malaysia (Bakit May Kahapon Pa?). Utang nina Elizabeth Oropesa (Bulaklak ng Maynila) at Glydel Mercado (Sidhi) ang grandslam awards nila kay Direk Joel. Ang iba pang artista na nanalo ng awards sa mga pelikula niya ay sina Sharon Cuneta, Jay Manalo, Albert Martinez, Eddie Garcia, Donna Cruz, Assunta at Alessandra de Rossi.
Sa Filipinas, ang entry ng Viva Films sa MMFFP, inaasahan na hindi lamang ang mga magagaling na artista nito (Armida Siguion Reyna, Aiko Melendez, Daniel Fernando, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Raymond Bagatsing, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Victor Neri, Andrea del Rosario, Richard Quan at Wendell Ramos ang nakatakdang humakot ng awards kundi maging ang pelikula na isang grand family drama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended