^

PSN Showbiz

Thai actor, bibisita ng Pilipinas

- Veronica R. Samio -
"Pwede namang walang kissing scene ang pelikula so, bakit kailangang lagyan pa? Hindi naman ito makakatulong sa movie at, isa pa, mayroon akong mga commercials na nagki-cater for the children, baka naman hindi nila magustuhan na makita ako na nakikipaghalikan," pagtatanggol ni Jolina Magdangal sa tanong kung nagkaroon ba siya ng kissing scene sa kanyang mga leading men sa Annie B. (Bida Ng Ukay Ukay, Bongga Siya ‘Day) na sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera.

"
Siguro, gagawin ko rin ito pero, hindi pa ngayon, hindi pa ako handa. Gusto ko kapag ginawa ko ito ay komportable na ako.

"Ito namang Annie B. ay isang feel good movie, musical at comedy. Walang need for kissing scenes. Pwede itong panoorin ng walang ganitong eksena, maski nga si Jordan, na madalas mapanood sa bold movies, hindi kinailangang maghubad dito noh!"
* * *
Darating sa October 14 si Settawat Tay Sethakorn, isa sa star ng Amazing Twins, isang pioneering Chinovela sa Pilipinas, ang The Amazing Twins na napapanood sa IBC13, tuwing Sabado sa ika-8:00 n.g. Maaksyon ito gaya ng Crouching Tiger, Hidden Dragon, masaya tulad ng mga pelikula ni Jackie Chan. Tampok ang dalawa sa pinaka-sikat na young actor sa Thailand, sina Tay at Jimmy Lin, isang top matinee idol.

Isa ring top recording artist si Tay bukod pa sa sikat siyang artista sa pelikula sa Thailand.

Sasandali lamang ang bisita dito ni Tay, habang naririto, ipu-promote niya ang kanilang TV series at
mamasyal na rin ng Maynila.
* * *
Hindi na naiilang si Jordan Herrera kapag pinag-uusapan ang kanyang anak at ang naging marriage niya sa ina nito. Three years old na ang bata at madalas ay sinusundo niya ito at ipinapasyal. Kung hindi man ay dinadala niya ito sa kanilang bahay para makita rin ng kanyang pamilya. Mahal nila ang bata na lumalaking kahawig ng kanyang ama.

Dalawang taon ang kontrata ni Jordan sa Viva. Sa anim na pelikula na kailangan niyang gawin ay nakakalima na siya.
* * *
May bagong serbisyo na ibinibigay ang Smart at Talk ‘N Text. Ito ang Text-Insure na kolaborasyon nila ng Malayan Insurance Company.

Sa halagang P10, pwede kayong magkaroon ng P500,000 one day accident insurance. Ito ang pinaka-mabilis, pinaka-mura at pinakamadaling paraan nang pagkuha ng insurance.

Para makapag-rehistro, simply key in INSURE REGO <alias> <age> <last name> <first name> <middle name> at ipadala sa 323. Ang sagot na matatanggap n’yo ay magbibigay sa inyo ng inyong assigned at unique passport number ng inyong cellphone at ng mga instructions kung paano bumili ng insurance.

I-save ang message for future use.

Basahin, i-fill out at pirmahan ang Malayan Text-Insure policy na makikita sa mga major na dyaryo tuwing Biyernes. Minsan n’yo lang ito gagawin. Ito ang magsisilbing insurance policy nyo.

Para mabili ang accident insurance, kay in: INSURE BUY <alias> <cellphone passport no.> at ipadala sa 323. Ang sagot na matatanggap n’yo will confirm your insurance coverage along with the date and time of effectivity and a Certificate of Coverage Number. Ang halaga nito ay P10 lamang!

Para sa mga iba pang detalye at katanungan, tumawag sa 7757014, Lunes hanggang Sabado, 8am-6pm, or simply key in INSURE <your message> and send to 2960. Pwede ring mag-check out sa www.textinsure.com.

vuukle comment

AMAZING TWINS

ANNIE B

BIDA NG UKAY UKAY

BONGGA SIYA

CERTIFICATE OF COVERAGE NUMBER

CROUCHING TIGER

JORDAN HERRERA

PWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with