^

PSN Showbiz

Chinese na taga-Guam ang mapapangasawa ni Beth

RATED A - Aster Amoyo -
Gusto naming i-correct ang tamang apelyido ng mapapangasawa ni Beth Tamayo na aming naisulat na Johnny Wang sa halip na Johnny Wong. Si Johnny ay isang divorced Chinese businessman na naka-base sa Guam. Una itong na-link sa sexy star na si Patricia Javier. Since madalas magtungo si Beth ng Guam, doon niya nakilala ang kanyang future-husband hanggang sa ito’y kanyang maging kasintahan. Mahigit isang taon na ring hiwalay si Beth sa kanyang mayor-boyfriend na si Tining Martinez na ang buong akala ng marami ay siyang makakatuluyan ng magandang aktres.

Sa Mayo 30 ang kasal nina Beth at Johnny na gaganapin sa Christ The King sa may Greenmeadows at ang reception naman ay sa Shangri-La Makati. Isang buwan naman ang kanilang magiging honeymoon sa Europe. Ang matagal nang kaibigang-designer ni Beth na si Ronald Arnaldo ang gagawa ng kanyang gown habang si Joe Salazar naman ang naatasan para gumawa ng kanyang gown na isusuot sa Despedida de Soltera.

Kahit mag-aasawa na si Beth, hindi raw ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tatalikuran ang kanyang showbiz career. Ipagpapatuloy pa rin niya ito at magpapabalik-balik na lamang siya ng Maynila at Guam kung saan naka-base ang kanyang magiging mister.

Larawan ng isang babaeng in love ngayon si Beth na ginagawang parang Quiapo lamang ang Guam na hindi problema sa kanya dahil matagal na siyang green card holder.
* * *
Over at GMA, magtatapos na sa buwang ito ang - ang Daboy en da Girl, Kool Ka Lang, Oo Na at Habang Kapiling Ka. Sa ABS-CBN naman ay malapit nang magtapos ang Kay Tagal Kang Hinintay. Pagkatapos ng Kay Tagal... ay sisimulan na ni Lorna Tolentino ang bagong drama series sa GMA.

Since nag-last taping day na ang Habang Kapiling Ka ng GMA, nasa programa ng Darating ng Umaga ng ABS-CBN si Bobby Andrews bilang bagong admirer ng character na ginagampanan ni Vina Morales. Balik-Dos naman si Angelika de la Cruz na balitang mapapabilang naman sa Sana’y Wala Nang Wakas. Patuloy ang rigodon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA at hintayin pa nila ang muling pagbulusok ng ABC-5 sa pagpasok ni Tony Boy Cojuangco dahil tiyak na maraming talents ng ABS-CBN at GMA ang papunta rito.
* * *
Each time na nadadaan kami sa Gilmore St. ay parating puno ng tao ang JT’s Manukan Grille ni Joel Torre. Isa itong indikasyon na talagang malakas ang bagong itinayong negosyo ng aktor to think na wala pa itong isang taon na operational.

Ang pagbubukas ng negosyo ni Joel ay sa tulong ng kanyang misis na si Cristy, na minana naman ni Joel sa kanyang ina na may catering business sa Bacolod.

Bilang Ilonggo, gustung-gusto ni Joel ang chicken inasal na siyang specialty ng kanyang restoran. Ang kitchen staff ni Joel ay inimporta pa niya mula Bacolod na personal naman nilang mag-asawa sinu-supervise kapag libre rin lamang siya sa kanyang mga showbiz commitments.
* * *
Hindi pa halos nakaka-recover ang mga taga-industriya ng pelikula sa maagang pagyao ng Reyna ng Showbiz Talk Shows na si Ate Luds o Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) na sumakabilang-buhay nung September 26 at inihatid naman sa kanyang huling hantungan nung nakaraang Oktubre 2, heto’t magkasunod namang yumao ang dalawa sa ating mga kasamahan sa hanap-buhay - si Julie Fe Navarro (ng People’s Tonight) at si Hermie Francisco (ng Abante), dalawa sa maituturing nating institusyon na sa larangan ng panulat.

Si Julie Fe ay sumakabilang-buhay nung Martes ng gabi sa Makati Medical Center matapos itong ma-confine sa nasabing hospital sa loob ng halos isang buwan. Kinabukasan naman ng hapon, Oktubre 8 ay sumunod naman si Hermie na matagal ding iginupo ng kanyang sakit na kanser. Bago ito, matagal na ring hindi nakakakita si Hermie. Ang nakakalungkot lang, matagal na naming hindi nakita si Hermie bago ito binawian ng buhay samantalang si Julie ay nakasama ko pa ng dalawang araw nung nakaraang Hunyo sa Tacloban City at nung nakaraang Agosto ay dumayo ito sa aming munting resthouse sa Tanauan, Batangas.

Sa mga mahal sa buhay na iniwanan nina Julie Fe at Hermie, ang aming taos-pusong pakikiramay. Tulad ni Ate Luds na nauna nang ‘umalis,’ tiyak na mami-miss kayo hindi lamang ng inyong mga kapamilya at kamag-anakan kundi maging ng buong industriya na inyong kinabilangan ng maraming taon.

ATE LUDS

BACOLOD

BETH

BETH TAMAYO

BILANG ILONGGO

BOBBY ANDREWS

HABANG KAPILING KA

KANYANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with