Bea Alonzo, inaming nanliligaw sa kanya si Cholo
October 10, 2003 | 12:00am
Fifteen years old lamang si Bea Alonzo, ang ka-loveteam ni John Lloyd Cruz sa serye sa TV na Kay Tagal Kang Hinintay topbilled by Lorna Tolentino supported by a powerhouse cast at isa sa dalawang episode sa pelikulang My First Romance pero, parang ganap na itong dalaga kung tingnan lalot fully developed na ang katawan.
"Siguro dahil po sa may foreign blood ako, ang father ko ay British pero, di ko na po siya matandaan. Mga four years old lamang ako nang iwan niya kami. I was raised by my mom and my stepdad," imporma niya.
Sa kabila ng pagli-link sa kanila ni John Lloyd, nanatili silang isang magandang team-up, siguro dahilan na rin sa may girlfriend si John, si Ciara Sotto at siya naman ay nagbibilang ng suitors na marami ang taga-showbiz na ang pinaka-matiyaga ay si Cholo Barretto, pamangkin nina Claudine, Marjorie at Gretchen at isa sa mabilis sumikat na artista ng ABS CBN.
"Eight months na po siyang nanliligaw. Kahit po bibihira dahil pareho kaming busy sa aming mga trabaho, dumadalaw po siya sa aming bahay at kasundo niya ang pamilya ko. Nakikita ko po na mahal niya ang mga ito," sabi ni Bea.
Two Hearts ang titulo ng episode nina Bea at John Lloyd sa My First Romance. Nasa direksyon ito ni Don Cuaresma. Si John-D Lazatin naman ang direktor ng One Love nina John Prats at Heart Evangelista.
Mala-Return To Me starring Minnie Driver ang istorya ng Two Hearts. Si John Lloyd ang nakakuha ng puso ng namatay na boyfriend ni Bea (Dominic Ochoa). Nagkaroon ng problema kung si Bea ay in love sa kanyang bf o sa bagong nagmemeari ng puso nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended