Kris kumita ng milyones sa text messages
October 9, 2003 | 12:00am
Ang laki rin pala ng kinita ni Kris Aquino sa Startext ng Smart dahil sa issue sa kanila ni Joey Marquez. Believe it or not, pero sa rami nang nagtatanong kay Kris, umabot na raw sa almost P3 million ang commission ni Kris. May percentage kasi si Kris every text message.
Sa rami raw kasi ng nagti-text kay Kris, yung mga gustong magtanong at mag-send ng encouraging messages, talagang over flowing.
Jackpot din ang Smart. Ang galing din ng strategy nila. Na-foresee nila na maraming intriga ang buhay ng TV host/actress.
Isang healing mass ang ginanap sa residence nina Richard Gomez and Lucy Torres last Sunday sa Greenhills in honor of St. Pio of Pietrelcina. Thanks to Ms. Ethel Ramos na nagsama sa amin sa nasabing mass.
Devotee ni Padre Pio ang mother ni Lucy na si Mrs. Jullie Torres. Ito ay dahil na-prove niya kung paano nag-intercede si Padre Pio nang ma-detect na may lump siya sa breast. Nang i-consult niya sa doctor, nag-advice agad ito (doctor) na kailangan niyang mamili - either magpa-reconstruction surgery o magpa-radiation. Mas pinili niyang magpa-surgery.
Nang malaman ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanya, may mga nagbigay sa kanya ng istampita at novena. Nong una, hindi raw siya masyadong convinced dahil nga sa background na pagiging strict nito.
Pero nang nasa recovery stage na siya after the operation, may nagbigay na naman sa kanya ng image ni St. Pio. Don niya na-realize na sign na yun na puwede niyang hingan ng tulong si St. Pio.
Nang i-test na ang lump niya after the operation (biopsy), negative sa lahat ng klase ng cancer.
Don niya na-realize ang intervention ni Padre Pio, base sa testimony ng mother ni Lucy.
Iba naman ang testimony ng kaibigan at colleague na si Ed de Leon. Ayon kay Tito Ed, matagal na siyang tinutulungan ni Padre Pio. Apat na beses na raw siyang inatake. Sinabi na raw sa kanya ng doctor na kung iba-iba lang siya, dapat ay apektado na ang speech niya by this time at hindi na dapat ganoon ang katawan niya.
Inintroduce kay Tito Ed ng isang journalist-friend na galing ng Europe si Padre Pio. Maraming kuwento ang nasabing friend ni Tito Ed tungkol kay Padre Pio, kaya since then naging devotee na siya ni Padre Pio at naniniwala siya na thru Padre Pios intervention, naka-survive siya sa apat na atake.
Miracle din ang ginawa ni Padre Pio kay Direk Boots Plata. Bata pa siya, 19 years old lang siya nang ma-detect ng doctor na may butas ang kanyang baga. Dalawa. Wala raw silang pera noong mga panahong yun. Hanggang may nagbigay sa kanya ng istampita rin at may nag-advice sa kanya na i-rub niya ito sa affected area dahil nga ang final findings, may tuberculosis siya. Sa tulong ni St. Pio, pinagaling ng Diyos ang nasabing sakit niya.
Hindi lang silang tatlo ang may mga himalang kuwento sa tulong ni St. Pio.
May relic si St. Pio sa bahay nila Lucy na nag-iisa sa Pilipinas.
Anyway, si Padre Pio was born a simple, hardworking farmer on May 25, 1887 sa Pietrelcina, Southern Italy. Tinorture siya privately hanggang pumasok siya sa novitiate ng Capuchin Friars sa edad na 15. Weak ang kanyang katawan, pero sa kanyang determination and with the help of grace, nakumpleto niya ang kanyang pag-aaral at taong 1910 nang siyay ordinahan bilang pari.
September 20, 1918 - ang limang sugat of our Lords passion appeared on his body, making him the first stigmatized priest sa kasaysayan ng Catholic Church.
Ayon pa sa summary ng buhay ni Saint Pio, countless persons were attracted to his confessional at marami rin ang nakatanggap ng kanyang saintly counsel and spiritual guidance sa pamamagitan ng correspondence.
Karamihan sa kanyang buhay ay iniukol niya sa pagdarasal and continual austerity. Sa kanyang letter sa kanyang spiritual director, na-reveal na ang kanyang paghihirap, physical and spiritual, sa kanyang buong buhay. Na-reveal din doon ang kanyang deep union sa Diyos, ang kanyang walang kamatayang pagmamahal sa Blessed Eucharist and Our Blessed Lady.
Pero pagkatapos ng kalahating century ng paghihirap at constant apostolic activity sa San Giovanni Rotondo, siya ay namatay noong September 23, 1968. Pagkatapos ng public funeral na dinaluhan ng mahigit 100,000 mourners, his body was entombed in the crypt of Our Lady of Grace Church. Doon lalong dumami ang testimony ng mga taong nakatanggap ng miracle sa pamamagitan ni Padre Pio.
On December 18, 1997, by the reading of the decree on the herocity of virtues, idineklara ni Holy Father John Paul II bilang Santo si Padre Pio.
Bukod kay Saint Pio, marami ring artistang devotee si Mother of Perpetual Help.
Regular ang Comedy King na si Dolphy na nagno-Novena every Wednesday sa Baclaran. Pag nakikita na siya ng mga vendor at beggar sa Baclaran, pumipila na sila dahil nagsi-share nga si Mang Dolphy ng blessings niya.
Si Kris Aquino, bago sila nagkaroon ng problema ni Joey Marquez, regular na nagno-novena sa Baclaran Church every Wednesday.
Si Diether Ocampo ay malimit na rin bumibisita. Pero last Wednesday, hindi siya nagso-solo, guess kung sinong kasama niya, si Andrea Bautista. Looks like si Andeng na nga ang sinasabi ni Diether na magiging Mrs. Ocampo dahil sweet sila at naka-holding hands pa.
Marami pang ibang artista ang regular na nagno-novena sa Baclaran.
Kahit ordinary people, malaki ang faith sa Mother of Perpetual Help na dapat lang naman dahil sa rami ng mga kung anu-anong problema sa ating paligid - sa pulitika, ekonomiya at kung anu-ano pa.
Kaya nga nakakapagtaka na may mga tao pang mas may oras manira at magparinig sa kapwa.
E-mail me at [email protected]
[email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended