^

PSN Showbiz

D Buzz lang ang iiwan ni Kris

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Pormal at personal na nagpaalam last Sunday ang kontrobersyal na TV host-actress, Kris Aquino, sa programang The Buzz. Sariling kadahilanan ang rason ng TV host kung bakit nito iiwan pansamantala ang isa sa minahal na ring programa for the past four years, ang D Buzz, with kuya Boy Abunda. Common sense nga naman na ang laging dini-discuss sa nasabing top-rated Sunday talk show ay tungkol sa mga buhay-buhay ng mga kapwa-artista niya and yet, alam naman natin na si Kris ang siyang naging sentro ng mga intriga, weeks ago.

Marahil, para maiwasan na rin ang pagsawsaw sa mga intriga, at lumayo na rin sa pang-iintriga. Kris finally decided to temporarily leave the show.
* * *
Nais din naming ikorek na ang The Buzz lamang ang iiwan pansamantala ni Kris. Tuloy na tuloy pa rin ang Next Level! Na! GKNB, na sa mga araw na ito’y nagkaroon na ng pilot airing. Masaya ang show dahil kakaibang game show ito na maglalaro ang mga contestants from level one (tsamba) hanggang sa tapang level at talino level. Siguradong magi-enjoy ang mga manonood dahil it combines the tricky and fearful struggle from the start ng pakontes.
* * *
Isang makapanindig-balahibong episode ang tampok last Thursday sa Maalaala Mo Kaya, featuring the true-to-life story of the late teen superstar Julie Vega. Naging isang sikat or let us say isa sa pinakasikat na young actress noon si Julie at natatandaan naming nakikipag-compete ang kanyang Anna Lisa, teleserye noon sa Flor de Luna ni Janice de Belen na incidentally at that time ay karibal sa kasikatan ng yumaong Julie. Sa mga taong nakasubaybay sa tinamong tagumpay ni Julie, hanggang sa siya’y bawiin ng ating Panginoon, isang nakakapanindig-balahibong alalahanin muli ang kanyang nakaraan. Lalo pang naging epektibo ang pagsasadula ng talambuhay ni Julie dahil sa ang gumanap sa buhay ng aktres ay si Angelica Panganiban, ang sinasabing kahawig ng late teenstar. Sa totoo lang, muling nabuhay ang katauhan ni Julie sa magaling na portrayal ni Angelica ng mga pinagdaanan ni Julie.

It’s really a big loss sa movie industry ang maagang pagpanaw ng isa sanang superstar in the future. Kung buhay pa siguro si Julie ngayon, naaabot na siguro nito ang superstardom at ngayo’y isa na ring de-kalibre’t beteranang aktres, gaya nina Ate Vi, Mama Guy at Megastar Sharon!
* * *
Pumalo ng todo sa rating ang nasabing Julie Vega episode sa Maalaala Mo Kaya. Nagtala ito ng 38% sa Metro Manila, habang ang Magpakailanman ay umabot lang ng 14.8% sa over-all MM rating. Sa next episode, ang buhay naman ng komedyanteng si Bentong ang isasadula sa MMK. Abangan din po ang makabagbag-damdaming kahirapang pinagdaanan ni Bentong, bago nito narating ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.
* * *
Napapanood natin ang ilang clippings from Milan movie na mga backdrop pa lamang sa ilang matulaing lugar sa Italy, particular na sa Venice at Milan ay siguradong patok na sa mga manonood. Plus of course ang pinakaabangang bagong putahe at tambalan, ang Piolo Pascual-Claudine Barretto tandem. Nakaka in-love talaga sa Italy at makikita sa mga larawang kuha, sa mukha nina Piolo at Claudine ang lubos na kasiyahan sa naganap na trabaho at bakasyon-grande all together!
* * *
For your comments and reactions, you can email me at [email protected]

ANGELICA PANGANIBAN

ANNA LISA

ATE VI

CENTER

JULIE

JULIE VEGA

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with