Bold actor, kuntento na sa pagho-hosto
October 6, 2003 | 12:00am
Nanggaling ng Japan si Francis Enriquez at pinalad na magkaroon doon ng booking as a singer. Kapani-paniwala namang marunong siyang kumanta dahil nagkaroon na rin siya ng album a few years back. That time when he used the monicker Franz Llanes.
Inamin naman niyang tumi-table sila sa mga customer ng klub as part of their job. May karagdagang kita kapag nagi-entertain sila dahil sa malaking tip na ibinibigay pagkatapos. Karamihan sa mga nagpupunta sa club ay mga kapwa Pinoy din na nagtatrabahot naninirahan sa Japan.
Maganda ang income na nagi-generate nila roon, pero six months lang ang itinatagal ng bawat kontrata. Kailangan nilang magbalik ng Pinas para gumanda ang record nilat hindi mahirapan kapag muling nagbalik doon. Kapag kasi nag-TNT ka, malamang na blacklisted ka agad doon.
Kasama si Francis sa pelikulang Pilya with Trina Shields playing the lead role. Kasama rin nila sa pelikula sina Melissa Mendez, Raffy Anido, Joey Galvez, Bobby Benitez, Katrina Kasten at mga baguhang sina Kenji Miguel at Nixon Cruz, sa direksyon ni Armando A. Reyes, story and screenplay by Dennis C. Evangelista.
Isang baguhang pari na nagkaroon ng relasyon kay Lucy (Trina), ang role na na-assign kay Francis sa pelikulang ito mula sa ATB-4 Films, Inc. May confrontation scene sila rito na ala-Kris Aquino/Joey Marquez. And towards the end of the movie, nagkaayos din sila.
Tahimik na ang buhay ni Francis ngayon. Hanggat maaari ayaw na niyang balikan ang ilang bahagi ng kanyang nakaraan. Naka-sentro ngayon ang kanyang pananaw sa kinabukasan, ang pagbuo ng isang masayang pamilya. BEN DELA CRUZ

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended