^

PSN Showbiz

Krystine Valdez, sino siya?

- Veronica R. Samio -
Nakalulungkot isipin na kakaunti lamang sa atin ang pamilyar sa pangalang ito. Sayang, dahil isa siya sa maraming umaasa na mabigyan ng swerte sa mundo ng local showbiz.

Mayro’n naman siyang "k". May talino at ganda siya, isang magandang kumbinasyon para sa isang may pangarap na gumawa ng malaking pangalan sa mundo ng musika.

Nakapagsimula na siya kaya hindi na siya matatawag na isang baguhan. Katunayan, mayro’n na siyang album sa Viva Records. Nakapagshow na rin siya rito bagaman at mas mabenta siya sa abroad having performed hindi lamang sa mga Filipino communities dun kundi maging sa harap ng mga dayuhang manonood.

Tulad ng kanyang This Is Me concert na ginawa niya sa Hard Rock Cafe nung Huwebes ng gabi na kung saan hinangaan ng mga sosyal niyang manonood ang mahusay niyang performance.

Nakapagtataka kung saan nagmumula ang kanyang napaka-powerful na boses. Napaka-petite niya at effortless kumanta. Parang hindi mga birit songs nina Whitney Houston, Mariah Carey at Regine Velasquez ang binabanatan niya. Even her guests sa kanyang concert na sina Rico J. Puno at Nonoy Zuñiga na mga beteranong manganganta na ay impressed sa kanya.

Ikalawang concert na ito ni Krystine Valdez sa Hard Rock Cafe. Extension ng kanyang birthday concert nung Agosto. She’ll be seen next sa isang Christmas concert, dito rin sa nasabing lugar.

Next time na marinig n’yo na may palabas siya, go naman kayo. Ikumpara n’yo siya sa napakaraming local artists natin, maging yung mga sikat na, at makikita n’yo, di naman siya nalalayo sa kanila. Para naman mabigyan natin siya ng suporta at tangkilik at ma-inspire natin siya to stick it out here. Para rin malaman niya na may puwang siya sa puso ng kanyang mga kababayan. Tandaan lamang ang pangalan niya, Krystine Valdez!
* * *
Masaya ang naging tsikahan naming mga entertainment press kay Jinggoy Estrada isa sa dalawang bida ng pelikula ng Maverick Films na Utang ng Ama. Ang isa pa ay si Joey Marquez na sa awa ng Diyos ay wala ng kaso kay Kris Aquino dahil sinunod na niya ang hinihiling nito na gumawa siya ng public apology. Napanood ito sa TV at narinig sa radyo. Sinabi rin niya na hindi nagsinungaling si Kris.

Makabubuti ang ginawa ni Joey sa pelikula nila ni Jinggoy na inakala ng marami na maaapektuhan sa takilya kaya marami ang nagpayo na iatras ang playdate nito na hindi ginawa ng
Maverick Films dahil marami ang nagsasabi na marami ang natatawa sa mga trailer nito sa sinehan.

Hindi naman nagpabaya si Jinggoy, nung kasagsagan ng crisis ng dalawa niyang kaibigan (Kris at Joey), nag-offer pa siyang mag-mediate sa dalawa.

Kung tutuusin dalawang malalaking kontrobersya ang dinaanan ng
Utang Ng Ama. Una ay ang naging away nina Jinggoy at Richard Gomez na humantong sa pambabatok ni Jinggoy kay Goma. Umabot pa ito sa korte bagaman at hindi nagtagal dahil nagkaayos agad ang dalawa.

Ikalawang kontrobersya ay ang iskandalo nina Kris at Joey na nagtapos din bago ipalabas ang pelikula sa Oktubre 22. May premiere night ito sa SM Cinema sa Oct. 20.

Sinabi ni Jinggoy na may bed scene sila ni
Katya Santos sa pelikula. Hindi ito first time na magkaroon siya ng ganitong eksena. Pero 20 years ago na nang una siyang gumawa nito. Sa kanilang eksena ni Katya, ninerbyos siya ng husto at pinagpawisan.

Maraming mga kaibigan si Jinggoy na pumayag mag-guest sa Utang Ng Ama --
Cesar Montano, Bayani Agbayani, Ronnie Ricketts, Vhong Navarro, Lorna Tolentino at marami pang iba.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

HARD ROCK CAFE

JINGGOY

KRYSTINE VALDEZ

MAVERICK FILMS

SIYA

UTANG NG AMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with