Giselle Sanchez,nanganak na
October 4, 2003 | 12:00am
Inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque ang Queen of Philippine Showbiz Talk Shows na si Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) nung nakaraang Huwebes (Oktubre 2) ng hapon pagkatapos ng alas-dos na misa sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City.
Isang madamdaming send-off party ang ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nung huling gabi ng burol. Naghanda ng isang program para kay Ate Luds ang kanyang mga kapatid, pinsan at mga pamangkin at pagkatapos nito ay kami ng dati kong ka-partner sa "Isang Tanong, Isang Sagot" na si Anselle Beluso ang humalili para pamahalaan ang pagbibigay-mensahe ng malalapit na kaibigan ni Ate Luds sa showbiz tulad nina Kuya Germs (Moreno), Celia Rodriguez, Bibeth Orteza, Kuya Cesar, Imelda Papin, Tessie Lagman, Karen Davila, Boy C. de Guia, Portia Ilagan at iba pa. Nagpaunlak din ng mga awitin sina Imelda Papin, Michael Laygo, Adrian Panganiban at dalawang iba pa. At ang pinakahuling nagsalita ay walang iba kundi ang mahal ni Ate Luds na si Direk Gene Bo Palomo na hindi napigilan ang umiyak. Very touching din ang mensaheng ipinarating ng TV producer-friend ni Ate Luds na si Kitchie Benedicto na nasa Europa. Talagang pinatunayan ni KB na hanggang sa huling sandali ay ipinakita at ipinadama niya kay Ate Luds ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan.
Pinilit namin ni Anselle na maging masaya ang mood ng lahat na siyang gustong mangyari ni Ate Luds, pero ramdam namin ang kalungkutan ng lahat. It was a grand reunion na maituturing dahil napagsama-sama ni Ate Luds ang matatagal niyang kaibigan in and out of the industry na matagal na niyang hindi nakikita. Maging ang mga dating staff ng kanilang Loca-Lobo Productions ni Direk Bo ay naroon pati na mga loyalists ni Ate Luds na sina Angge, Tang, Nene, Madeline, Chinggay at iba pa.
Saan man naroroon ngayon si Ate Luds, alam namin na siyay masaya dahil muli niyang napatunayan na marami pala ang nagmamahal sa kanya.
Sa pagyao ni Inday Badiday, isang bagong buhay naman ang lumabas sa sanlibutan nang isilang ang munting anghel ng mag-asawang Giselle Sanchez at Emil Buencamino, si Emilia Gisela nung alas-2:24 ng umaga ng Oktubre 2 (Huwebes) sa pamamagitan ng Lamaze Method sa St. Lukes Medical Center. Ang timbang ng bata ay 7.4 lbs. at 49.7 cm. Anim na oras na nag-labor si Giselle at dalawang oras naman ang aplikasyon nila ng Lamaze method. Ang OB-Gynecologist ni Giselle ay si Dra. Ana Pangan.
Masayang-masaya siyempre ngayon ang mag-asawang Giselle at Emil dahil kumpleto na ang kanilang kaligayahan sa pagsulpot ng kanilang munting anghel.
Balak ni Giselle na i-breastfeed ang kanyang baby. Palibhasay maliit magbuntis si Giselle, hindi ito gaanong tumaba at handang-handa na naman siyang sumabak sa trabaho.
<[email protected]>
Isang madamdaming send-off party ang ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nung huling gabi ng burol. Naghanda ng isang program para kay Ate Luds ang kanyang mga kapatid, pinsan at mga pamangkin at pagkatapos nito ay kami ng dati kong ka-partner sa "Isang Tanong, Isang Sagot" na si Anselle Beluso ang humalili para pamahalaan ang pagbibigay-mensahe ng malalapit na kaibigan ni Ate Luds sa showbiz tulad nina Kuya Germs (Moreno), Celia Rodriguez, Bibeth Orteza, Kuya Cesar, Imelda Papin, Tessie Lagman, Karen Davila, Boy C. de Guia, Portia Ilagan at iba pa. Nagpaunlak din ng mga awitin sina Imelda Papin, Michael Laygo, Adrian Panganiban at dalawang iba pa. At ang pinakahuling nagsalita ay walang iba kundi ang mahal ni Ate Luds na si Direk Gene Bo Palomo na hindi napigilan ang umiyak. Very touching din ang mensaheng ipinarating ng TV producer-friend ni Ate Luds na si Kitchie Benedicto na nasa Europa. Talagang pinatunayan ni KB na hanggang sa huling sandali ay ipinakita at ipinadama niya kay Ate Luds ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan.
Pinilit namin ni Anselle na maging masaya ang mood ng lahat na siyang gustong mangyari ni Ate Luds, pero ramdam namin ang kalungkutan ng lahat. It was a grand reunion na maituturing dahil napagsama-sama ni Ate Luds ang matatagal niyang kaibigan in and out of the industry na matagal na niyang hindi nakikita. Maging ang mga dating staff ng kanilang Loca-Lobo Productions ni Direk Bo ay naroon pati na mga loyalists ni Ate Luds na sina Angge, Tang, Nene, Madeline, Chinggay at iba pa.
Saan man naroroon ngayon si Ate Luds, alam namin na siyay masaya dahil muli niyang napatunayan na marami pala ang nagmamahal sa kanya.
Masayang-masaya siyempre ngayon ang mag-asawang Giselle at Emil dahil kumpleto na ang kanilang kaligayahan sa pagsulpot ng kanilang munting anghel.
Balak ni Giselle na i-breastfeed ang kanyang baby. Palibhasay maliit magbuntis si Giselle, hindi ito gaanong tumaba at handang-handa na naman siyang sumabak sa trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended