Artista na si Sen. John Osmeña
October 3, 2003 | 12:00am
Napaka-ambisyosong proyekto ang unang palabas ng Emerald Constellations Productions na May Puso Ang Batas. Isa itong legal mini-series na nagtatampok sa isang powerhouse cast na pinangungunahan ng isang tunay na mambabatas, isang kagalang-galang na Senador ng bansa, si John Osmeña kasama sina Boots Anson Roa, Gary Estrada, Ricky Davao, Chinggoy Alonzo, Pinky de Leon, Maritoni Fernandez, Jenine Desiderio, Lyn Sherman, Michael Williams, Toni Gonzaga, Pinky Amador, Kenji Marquez, Nanding Josef, Kathleen Valenzuela, Christian Vasquez, Angel Jacob at Ama Quiambao. Lahat sila ay gumaganap ng role ng mga abogado.
Si Senador Osmeña ang nagmemeari ng pinaka-malaking law firm sa bansa, ang Juarez-Osorio Law Office na humahawak ng mga malalaking tao at kumpanya pero, mas kilala ito sa pagtatanggol sa mga oppressed, mahirap man o mayaman.
Bagaman at sinasabing ginagamit lamang ng Senador ang palabas para sa isang maagang kampanya bago ang eleksyon next year, wed like to reserve our judgement dahil baka nga naman lumabas na isa itong magaling na artista at ang talinong ito ay hindi nabigyan ng fulfillment nung nag-aaral pa siya.
Directing the series is Ruel S. Bayani. Magsisimula itong mapanood sa Linggo, Okt. 5 sa RPN9, kasama ang mga panauhing sina Elizabeth Oropesa at Jennifer Sevilla.
Napahaba yata yung GMA Artists Center launch na ginanap sa Music Museum nung Martes ng gabi.
Maganda ang naging simula ng palabas pero nang lumaon ay nag-drag na ito.
Maraming magagaling na talent ang GMA, gaya nina Bryan Revilla na baka mahirapan nang ihanap ng proyekto sa mga drama anthology dahil nakita ang kanyang pagiging komedyante. Sana lamang ay makatulad ito ng daddy niya na bagaman at mahusay sa comedy ay magaling din sa action drama.
Si Charlie Zamora ay isinusulat ko na kahit hindi ko pa alam ang pangalan niya. Na-impress ako sa galing niyang umarte sa Kung Mawawala Ka bilang anak nina Sunshine Dizon at Cogie Domingo.
Okay din si Bettina Carlos, maganda na, magaling pang mag-host. Sana mahanapan siya ng GMA ng tamang vehicle.
Hindi na ipagtatanong pa ang talino nina Karen delos Reyes, Charina Scott, Regine Tolentino na napaka-generous dahil pumayag na makasabay sa pagsasayaw ang isang kabataang singer/dancer.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit napaka-raming mga foreigners ang inaalagaan at sinasanay ang network gayong okay naman at may potential ang maraming locals na nasa kwadra rin ng Siyete: Iza Calzado, Denise Laurel, Angel Locsin, Tricia Roman, Maybeline dela Cruz, Sherwin Ordoñez, Chynna Ortaleza, Pekto, Biboy Ramirez, Isabella de Leon, Katarina Perez, Lester Llansang, Crystal Moreno, Boy 2 Quizon at ang mga kilala nang sina Lyn Ching, Candace Giron, Arnold Clavio, Ira Eigenmann, Empress & Princess Schuck, TJ Manotoc, Eagle Riggs, Jiggy Manicad at ang puppet na si Arn Arn. Matagal matuto ng Tagalog ang mga dayuhan at namimili ng roles ang mga mukha. Kung sa komersyal lang naman sila mapupunta, walang dahilan kung bakit under pa sila ng Artist Center, di ba? Ibigay na ang atensyon sa mga Pinoy na may K naman. Pls., Ms. Henares!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am