Lucy, excited sa Richard-Dawn movie
September 29, 2003 | 12:00am
Sinabi ni Richard Gomez na bagay silang magkapatid ni Dawn Zulueta dahil pareho ang kanilang features. Nang tanungin kung ano ang reaksyon ni Lucy Torres nang malamang magkakasama sila ng dating nobya sa pelikula, mas natuwa pa ito ayon sa aktor.
"Paborito rin kasi niya si Dawn at maswerte ako dahil hindi selosa si Lucy at naniniwala na part lang ang tambalan namin ng trabaho," sey nito.
Na-late nga pala sa presscon si Richard dahil galing siya sa pictorial nila ni Joey para sa isang bagong sitcom ng GMA 7 na ipapalit sa Kool Ka Lang. "May problema na naman ang kaibigan ko (Joey)," aniya. Pero ayaw mag-elaborate ni Goma sa away ni Joey at Kris.
Ang ganda-ganda ni Dawn Zulueta nang humarap sa presscon ng Filipinas.
Anim na taon ding hindi gumawa ng pelikula si Dawn at piniling manirahan sa Davao sa piling ng asawang si Anton Lagdameo. Nagpaalam naman ito sa kabiyak na gagawa ng pelikula at pumayag naman agad kahit kasama pa ang ex-boyfriend niyang si Richard.
"May three movie offer ako noong mga nakaraang taon na tinurn-down ko pero tinanggap ko agad itong Filipinas dahil maganda ang istorya at first time kong makakatrabaho si Joel Lamangan. Malaki rin ang casting and it will be my first time also to work with Maricel Soriano," aniya.
Naniniwala si Dawn na hindi na sila maiintriga ni Richard dahil magkapatid sila sa movie. "Patay na ang isyu at sana, huwag na nating balikan. Gusto kong makita kung paano kami magkasama ni Richard bilang magkapatid sa pelikula," dagdag pa ni Dawn.
Kasama si Dawn patungong Israel sa November 6 kung saan partly kukunan ang movie.
Malabong Magkabalikan
Ayon sa isang kaibigang source na malapit kay Alma Moreno ay umamin ang aktres na hanggang ngayon ay di ma-take ng kanilang mga anak ang nangyari sa kanilang daddy.
Nang una raw mapanood ni Yeoj ang interbyu kay Kris ay nag-iiyak ito. Kahit sa eskwelahan ay tinutukso na rin daw ang mga ito kaya tamad ng pumasok ang magkapatid, ayon pa raw kay Ness.
Kinampihan siyempre ng aktres ang dating asawa at sinabing sa 12 years nilang pagsasama ni Joey ay hindi siya nakatikim dito ng pambubugbog, panunutok ng baril at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted disease o STD.
Idinagdag pa ng source na kahit kinakampihan ni Ness ang dating asawa ay imposible nang magkabalikan sila.
Namatay na ang carrer ni Stella L. bilang sexy star kaya siguro nakikisawsaw ito sa awayang Joey at Kris. Kinampihan nito ang alkalde ng Parañaque at sinabing noong time na may relasyon pa sila ay parang reyna ang trato ni Joey sa kanya. "Gentleman siya at hindi gumagamit ng kamao sa babae. Higit sa lahat, hindi ako naniniwalang tinutukan niya ng baril si Kris," aniya.
Halos araw-araw ay nasa telebisyon ito at iniinterbyu. Kaya lang, naiinis kami sa kanya nang interbyuhin sa Dong Puno Live. Pinipilit nitong mag-Ingles gayung hirap na hirap naman. Kung pwede lang sabihin ni Dong na mag-Tagalog na lang ang aktres ay baka ginawa nito. Pa-impress pa kasi ang sexy star gayung wala namang ibubuga sa Ingles.
Magaling na speaker si Kuya Germs Moreno dahil sa laki ng populasyon ng mga estudyante ng Dasmariñas National School sa Cavite ay nagawa niyang makinig ang may tatlong libong estudyante kung saan naging makabuluhan ang kanyang mensahe. Bago magtapos ay tumawag ito ng 12 estudyante (anim na babae at anim na lalaki) at tinanong isa-isa kung gumagamit ba sila ng ipinagbabawal na gamot. Bago bumaba ng stage, binigyan niya ng tig-P500.00 ang bawat isang tinawag niya para maibili ng bagay na makakatulong sa kanila.
Nangako ang mga kabataan na susundin nila ang slogan na "No To Drugs." Natuwa si Kuya Germs sa magandang pagtanggap sa kanya ng alkalde at ginang ng Dasmariñas, Cavite gayundin ang mga guro at prinsipal. Ang paanyaya kay Kuya Germs ay mula sa Soroptimist-International (Dasma-Salcedo Chapter) na nagtaguyod ng seminar bilang bahagi ng Values Education.
Nai-insecure na nga ba ang sikat na sexy star na si A na pambato ng isang kompanya dahil nasasapawan ito ng isa pang sexy star na tatawagin nating si B? Kapag nagbabasa si B ng kanyang cue card sa programang kasali rin si A ay laging nakairap ang huli. Pero kapag nakaharap naman si B ay nakangiti naman ito. Kapag nakatalikod na siya ay matatalim na sulyap ang ibinibigay nito kay B. Feeling kasi ni A ay natatalbugan siya ni B na flawless ang complexion at ratsada ngayon sa telebisyon.
"Paborito rin kasi niya si Dawn at maswerte ako dahil hindi selosa si Lucy at naniniwala na part lang ang tambalan namin ng trabaho," sey nito.
Na-late nga pala sa presscon si Richard dahil galing siya sa pictorial nila ni Joey para sa isang bagong sitcom ng GMA 7 na ipapalit sa Kool Ka Lang. "May problema na naman ang kaibigan ko (Joey)," aniya. Pero ayaw mag-elaborate ni Goma sa away ni Joey at Kris.
Anim na taon ding hindi gumawa ng pelikula si Dawn at piniling manirahan sa Davao sa piling ng asawang si Anton Lagdameo. Nagpaalam naman ito sa kabiyak na gagawa ng pelikula at pumayag naman agad kahit kasama pa ang ex-boyfriend niyang si Richard.
"May three movie offer ako noong mga nakaraang taon na tinurn-down ko pero tinanggap ko agad itong Filipinas dahil maganda ang istorya at first time kong makakatrabaho si Joel Lamangan. Malaki rin ang casting and it will be my first time also to work with Maricel Soriano," aniya.
Naniniwala si Dawn na hindi na sila maiintriga ni Richard dahil magkapatid sila sa movie. "Patay na ang isyu at sana, huwag na nating balikan. Gusto kong makita kung paano kami magkasama ni Richard bilang magkapatid sa pelikula," dagdag pa ni Dawn.
Kasama si Dawn patungong Israel sa November 6 kung saan partly kukunan ang movie.
Malabong Magkabalikan
Ayon sa isang kaibigang source na malapit kay Alma Moreno ay umamin ang aktres na hanggang ngayon ay di ma-take ng kanilang mga anak ang nangyari sa kanilang daddy.
Nang una raw mapanood ni Yeoj ang interbyu kay Kris ay nag-iiyak ito. Kahit sa eskwelahan ay tinutukso na rin daw ang mga ito kaya tamad ng pumasok ang magkapatid, ayon pa raw kay Ness.
Kinampihan siyempre ng aktres ang dating asawa at sinabing sa 12 years nilang pagsasama ni Joey ay hindi siya nakatikim dito ng pambubugbog, panunutok ng baril at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted disease o STD.
Idinagdag pa ng source na kahit kinakampihan ni Ness ang dating asawa ay imposible nang magkabalikan sila.
Halos araw-araw ay nasa telebisyon ito at iniinterbyu. Kaya lang, naiinis kami sa kanya nang interbyuhin sa Dong Puno Live. Pinipilit nitong mag-Ingles gayung hirap na hirap naman. Kung pwede lang sabihin ni Dong na mag-Tagalog na lang ang aktres ay baka ginawa nito. Pa-impress pa kasi ang sexy star gayung wala namang ibubuga sa Ingles.
Nangako ang mga kabataan na susundin nila ang slogan na "No To Drugs." Natuwa si Kuya Germs sa magandang pagtanggap sa kanya ng alkalde at ginang ng Dasmariñas, Cavite gayundin ang mga guro at prinsipal. Ang paanyaya kay Kuya Germs ay mula sa Soroptimist-International (Dasma-Salcedo Chapter) na nagtaguyod ng seminar bilang bahagi ng Values Education.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended