^

PSN Showbiz

Champagne Morales sumama na sa acoustic band

-
Dahilan sa demand ngayon sa mga acoustic bands, nagpasya ang mga soloistang sina Champagne Morales, Charlotte Salandanan at Francesca Borromeo na bumuo ng isang acoustic band. May pangalang After Eve, kasama rin nila sina Eleanor Floresca bilang kahonista at Edilbert Luyon bilang gitarista.

Si Champagne ay isang SOP member at grand champion ng 1998 Metropop. Madalas na itong lumalabas sa mga musical plays. Katatapos lamang niya ng kursong psychology.

Public Ad naman ang tinapos ni Charlotte. Madalas ito sa stage at napanood sa A Midsummer Night Dream, The Amazing Technicolor Dreamcoat at ang palabas ng Ateneo na Once on This Island at A Funny Thing Happened on the Way to the Forum.

Second year voice major naman si Francesca na involved din sa theater. Nakasali na siya sa maraming Repertory Workshop productions.

Instrumentalist naman si Eleanor na marunong ding kumanta at sumayaw. Nasa multi-media arts din siya gaya ng photography, audio prod at events management.

Ang nag-iisang lalaki sa grupo, si Edilbert ay tapos ng kursong music major in guitar at nakapag-perform na sa maraming functions.

Ilulunsad ang After Eve sa Merk’s Bar Greenbelt 3 sa Makati.<

A FUNNY THING HAPPENED

AFTER EVE

BAR GREENBELT

CHAMPAGNE MORALES

CHARLOTTE SALANDANAN

EDILBERT LUYON

ELEANOR FLORESCA

FRANCESCA BORROMEO

MADALAS

PUBLIC AD

REPERTORY WORKSHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with