Paano mo nagawa yon,Mayor ?
September 26, 2003 | 12:00am
Sinabi ko kahapon na kapag nagsalita na si Kris Aquino tungkol sa naganap sa kanila ni Mayor Joey Marquez ay saka pa lamang ako makakapag-form ng aking opinyon o desisyon sa kung sino sa kanila ang kapani-paniwala ang sinasabi. Pero, habang wala pang sinasabi si Kris, ang salita lamang ni Joey ang pinanghahawakan ko.
Kagabi at hanggang kaninang umaga, pawang ang interview kay Kris ang napanood ko. Wala yatang programa sa Dos ang hindi sumakay sa naging karanasan ni Kris. Kahit isang luha ay walang tumulo sa mga mata ni Kris pero, nakita ko, naramdaman ang lungkot at kasiphayuan na dinaranas niya. Naniwala ako sa mga sinabi niya. Anumang magandang opinyon meron ako kay Mayor Joey, napawing lahat.
Inamin ni Kris na totoong may suicidal tendency siya. Maaari itong maging dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagmamahalan pero, hindi ito dapat maging dahilan para manakit ng kapwa, lalo na ng isang minamahal. Walang karapatan ang sino mang lalaki na saktan ang isang babae na sinasabi niyang mahal niya. Mortal sin ito, lalo na sa akin. Bago kami nagpakasal ng aking asawa some 30 years ago, ipinakiusap ko sa kanya na kung dumating kami sa punto na mauubos ang pasensya niya sa akin at kailangan na niya akong saktan, mag-isip siya ng makalawa dahil kapag ginawa niya ito, katapusan na ng aming pagsasama. Wala pala akong dapat ipag-alala, hindi tipong nananakit ang asawa ko. Akala nga ng mga anak at kapamilya ko, hindi kami nag-aaway dahil never nila kaming nakita sa ganitong sitwasyon. Pero, nag-aaway kami, dun sa Luneta habang naglalakad kami at kapag nakaharap sa dagat.
Walang kapatawaran ang ginawang pananakit ni Joey, lalo na ang pagtutok niya ng nakakasang baril kay Kris. Kung hindi ito totoo, hinahamon ni Kris si Joey na kapwa sila sumailalim sa lie detector test, payag ka ba mayor?
Nauna kang nagsalita kay Kris, Mayor Joey. Inilabas na ni Kris maging ang mga hindi magagandang bagay na naganap sa inyo, ito ay sa kabila ng sinasabi niyang pananakot mo sa kanya. Ang lahat ng ito ay lalong naglapit sa kanya sa puso ng maraming kababaihan na dumaranas ng dinanas niya. Wala siyang itinago. Kapag sumagot ka, mayor, baka makakuha ka pa ng simpatiya pero, kung hindi, ibig sabihin, nagsinungaling ka at patay kang lalaki ka!
Ang lakas talaga ng loob ng ABS-CBN na tapatan ang lumalakas na serye ng GMA, ang Endless Love ng bagong serye na Love Scar.
Kung sabagay, kumpyansa sila sa lakas ng hatak ni Jerry Yan, ang gumaganap na Daomingsi sa Meteor Garden at itinuturing na pinakasikat na myembro ng F4, na siyang bida sa Love Scar.
Kapag kinagat ito ng manonood, ibig sabihin, si Jerry nga ang nagdadala ng Meteor. Pero, kapag hindi, maliwanag na ang F4 ang may hatak ng serye, plus si Barbie Xu.
Kung tutuusin maganda ang istorya ng Meteor Garden, isang love story nina Asi at Shan Cai na umiikot sa friendship ng F4, nina ShanCai at Huazelei (Vic Zhou) at ni Shan Cai at Qinghe. Napaka-ganda ng Valentine episode ng serye, isa sa pinaka-maganda at emotional na napanood ko.
Magandang labanan ang magaganap between Endless Love and Love Scar. Ito ang dapat abangan ng lahat ng manonood ng TV para maka-recover sila sa nakapanlulumong pangyayari na nakita nila sa TV involving two celebrated public figures.
Napaka-garbo naman ng presscon na ginawa ng Viva Films para sa kanilang pelikulang Filipinas na isang entry sa MMFFP 03. Lahat ng nasa produksyon, mula direktor hanggang mga artista ay dumating nang nakasuot Pilipiniana, Barong para sa mga lalaki at Filipina dress o formal dress para sa mga babae. May isang string orchestra na nag-provide ng mood music. Maging ang venue ng presscon na ginanap sa Club Filipino ay native ang motif.
Ang Filipinas ang pangalan ng pamilya na tampok sa istorya pero, pwede ring itong tumutukoy sa ating bansa during a trying and tumutuous times.
Star sa pelikula sina Richard Gomez, Maricelo Soriano, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Victor Neri at Wendell Ramos. Mga anak sila ni Armida Siguion Reyna.
Kasama rin sina Raymond Bagatsing, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Anne Curtis at Sarah Geronimo sa kanyang malaking screen debut. Si Sarah din ang kumanta ng theme song ng pelikula, "Paano Kita Mapasasalamatan?"
Si Joel Lamangan ang direktor at si Roi Iglesias ang sumulat ng kwento. Ang dalawa rin ang matagumpay na tandem ng Mano Po, ang MMFF topgrosser and big award winner.<
Kagabi at hanggang kaninang umaga, pawang ang interview kay Kris ang napanood ko. Wala yatang programa sa Dos ang hindi sumakay sa naging karanasan ni Kris. Kahit isang luha ay walang tumulo sa mga mata ni Kris pero, nakita ko, naramdaman ang lungkot at kasiphayuan na dinaranas niya. Naniwala ako sa mga sinabi niya. Anumang magandang opinyon meron ako kay Mayor Joey, napawing lahat.
Inamin ni Kris na totoong may suicidal tendency siya. Maaari itong maging dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagmamahalan pero, hindi ito dapat maging dahilan para manakit ng kapwa, lalo na ng isang minamahal. Walang karapatan ang sino mang lalaki na saktan ang isang babae na sinasabi niyang mahal niya. Mortal sin ito, lalo na sa akin. Bago kami nagpakasal ng aking asawa some 30 years ago, ipinakiusap ko sa kanya na kung dumating kami sa punto na mauubos ang pasensya niya sa akin at kailangan na niya akong saktan, mag-isip siya ng makalawa dahil kapag ginawa niya ito, katapusan na ng aming pagsasama. Wala pala akong dapat ipag-alala, hindi tipong nananakit ang asawa ko. Akala nga ng mga anak at kapamilya ko, hindi kami nag-aaway dahil never nila kaming nakita sa ganitong sitwasyon. Pero, nag-aaway kami, dun sa Luneta habang naglalakad kami at kapag nakaharap sa dagat.
Walang kapatawaran ang ginawang pananakit ni Joey, lalo na ang pagtutok niya ng nakakasang baril kay Kris. Kung hindi ito totoo, hinahamon ni Kris si Joey na kapwa sila sumailalim sa lie detector test, payag ka ba mayor?
Nauna kang nagsalita kay Kris, Mayor Joey. Inilabas na ni Kris maging ang mga hindi magagandang bagay na naganap sa inyo, ito ay sa kabila ng sinasabi niyang pananakot mo sa kanya. Ang lahat ng ito ay lalong naglapit sa kanya sa puso ng maraming kababaihan na dumaranas ng dinanas niya. Wala siyang itinago. Kapag sumagot ka, mayor, baka makakuha ka pa ng simpatiya pero, kung hindi, ibig sabihin, nagsinungaling ka at patay kang lalaki ka!
Kung sabagay, kumpyansa sila sa lakas ng hatak ni Jerry Yan, ang gumaganap na Daomingsi sa Meteor Garden at itinuturing na pinakasikat na myembro ng F4, na siyang bida sa Love Scar.
Kapag kinagat ito ng manonood, ibig sabihin, si Jerry nga ang nagdadala ng Meteor. Pero, kapag hindi, maliwanag na ang F4 ang may hatak ng serye, plus si Barbie Xu.
Kung tutuusin maganda ang istorya ng Meteor Garden, isang love story nina Asi at Shan Cai na umiikot sa friendship ng F4, nina ShanCai at Huazelei (Vic Zhou) at ni Shan Cai at Qinghe. Napaka-ganda ng Valentine episode ng serye, isa sa pinaka-maganda at emotional na napanood ko.
Magandang labanan ang magaganap between Endless Love and Love Scar. Ito ang dapat abangan ng lahat ng manonood ng TV para maka-recover sila sa nakapanlulumong pangyayari na nakita nila sa TV involving two celebrated public figures.
Ang Filipinas ang pangalan ng pamilya na tampok sa istorya pero, pwede ring itong tumutukoy sa ating bansa during a trying and tumutuous times.
Star sa pelikula sina Richard Gomez, Maricelo Soriano, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Victor Neri at Wendell Ramos. Mga anak sila ni Armida Siguion Reyna.
Kasama rin sina Raymond Bagatsing, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Anne Curtis at Sarah Geronimo sa kanyang malaking screen debut. Si Sarah din ang kumanta ng theme song ng pelikula, "Paano Kita Mapasasalamatan?"
Si Joel Lamangan ang direktor at si Roi Iglesias ang sumulat ng kwento. Ang dalawa rin ang matagumpay na tandem ng Mano Po, ang MMFF topgrosser and big award winner.<
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am