Pati staff niya imbyerna sa TV host
September 25, 2003 | 12:00am
Akala mo ay sweet at karinyosa ang sikat na lady TV host na ito pero imbyerna pala sa kanya ang ilan niyang staff gayundin ang mga nagiging guest niya sa programa.
Napantot sa kahihintay ang mga guest nito minsan kung saan ang call time ay 1:00 pm. Ayon sa isang reliable source na kasama ng guest na sikat na aktres ay napakatagal nilang hinintay ang maarteng TV host. Alas dos na ay wala pa rin ito. Kaya nagkape muna sila sa labas.
Nag-text sa kanila ang talent coordinator dahil dumating na ang TV host. Alas tres na yun. Nagmamadali nang pumunta ng studio ang sikat na aktres at ang aming source.
Pero hindi pa pala mag-uumpisa ang taping. Basa ang buhok ng TV host kaya magpapa-blower pa ito. Tapos nilagyan pa ito ng make-up. Day! Alas singko na natapos ang make-over ng TV host dahil kasama pa rito ang pagpunta niya sa CR. Naimbyerna na ang guest dahil sa tagal nang ipinaghintay nila sa TV host. Nasabi ng sikat na aktres na hindi na mauulit ang kanyang paggi-guest doon.
Tuloy na ang sitcom titled All Together Now na tatampukan nina Edgar Mortiz at Christopher de Leon sa Syete na balitang papalit sa isang sitcom na malapit nang mamaalam sa ere. Di pabor si Boyet na maging ala-Going Bananas ang dating ng sitcom ay gustong maging bago ang format ng programa nila.
Matagal-tagal ding panahon na hindi nagkasama sina Bobot at Boyet kaya ngayon pa lang ay excited na ang dalawa sa bagong programa.
Magaan ang loob ni Mother Lily sa magandang si Angel Locsin. Naniniwala kasi ito na may potensyal sa acting ang dalagita na napanood niya noon sa teleseryeng Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin.
Kaya naman pinapirma niya si Angel sa Regal Films ng three-year contract for eight pictures. Kasama ito sa Kuya at Mano Po with special participation at baka ilunsad na ito sa pagiging ganap na bituin sa ikatlong movie.
Dalawang araw nang nakapagsyuting ng Kapten Barbel si Ogie Alcasid.
Masaya nitong ibinalita na malapit nang matapos ang ipinagagawa niyang bahay sa Australia para sa kanyang pamilya. Kung noon ay hindi boto ang mga magulang ni Michelle sa komedyante ngayon ay puring-puri siya ng mga ito dahil sa pagiging mabuting asawa at ama ng kanilang dalawang anak.
Kaya hindi apektado si Michelle sa mga intriga tungkol sa pagli-link sa asawa kay Regine Velasquez.
May nang-iintriga ngayon kina Anne Curtis at Chynna Ortaleza tungkol sa mabuti nilang pagkakaibigan. Hindi raw nagustuhan ni Chynna ang pagiging sweet nina Richard Gutierrez at Anne na nakakaapekto sa kanilang pagiging magka-loveteam.
Nilinaw ni Chynna na okey naman ang tambalan nila ni Chard at malapit pa rin silang magkaibigan ni Anne. "Bakit naman ako magagalit kay Anne, wala naman kaming relasyon ni Chard? Isa pa may mga kaibigan din akong lalaki na close sa akin," aniya.
Napantot sa kahihintay ang mga guest nito minsan kung saan ang call time ay 1:00 pm. Ayon sa isang reliable source na kasama ng guest na sikat na aktres ay napakatagal nilang hinintay ang maarteng TV host. Alas dos na ay wala pa rin ito. Kaya nagkape muna sila sa labas.
Nag-text sa kanila ang talent coordinator dahil dumating na ang TV host. Alas tres na yun. Nagmamadali nang pumunta ng studio ang sikat na aktres at ang aming source.
Pero hindi pa pala mag-uumpisa ang taping. Basa ang buhok ng TV host kaya magpapa-blower pa ito. Tapos nilagyan pa ito ng make-up. Day! Alas singko na natapos ang make-over ng TV host dahil kasama pa rito ang pagpunta niya sa CR. Naimbyerna na ang guest dahil sa tagal nang ipinaghintay nila sa TV host. Nasabi ng sikat na aktres na hindi na mauulit ang kanyang paggi-guest doon.
Matagal-tagal ding panahon na hindi nagkasama sina Bobot at Boyet kaya ngayon pa lang ay excited na ang dalawa sa bagong programa.
Kaya naman pinapirma niya si Angel sa Regal Films ng three-year contract for eight pictures. Kasama ito sa Kuya at Mano Po with special participation at baka ilunsad na ito sa pagiging ganap na bituin sa ikatlong movie.
Masaya nitong ibinalita na malapit nang matapos ang ipinagagawa niyang bahay sa Australia para sa kanyang pamilya. Kung noon ay hindi boto ang mga magulang ni Michelle sa komedyante ngayon ay puring-puri siya ng mga ito dahil sa pagiging mabuting asawa at ama ng kanilang dalawang anak.
Kaya hindi apektado si Michelle sa mga intriga tungkol sa pagli-link sa asawa kay Regine Velasquez.
Nilinaw ni Chynna na okey naman ang tambalan nila ni Chard at malapit pa rin silang magkaibigan ni Anne. "Bakit naman ako magagalit kay Anne, wala naman kaming relasyon ni Chard? Isa pa may mga kaibigan din akong lalaki na close sa akin," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended