Bida na si Clarissa!
September 23, 2003 | 12:00am
Maswerte na ring maituturing si Clarissa Mercado. Wala pang isang taon mula nang una siyang makita sa isang pelikula ng Leo Films na pinamagatang Tukaan pero, heto at ilulunsad na siya sa stardom sa kanyang third movie, under the same film outfit din.
Pinamagatang Mapanukso, mayroon si Clarissa na total nudity sa pelikula, plus ang maiinit na lovescene nila ni Gerald Lauron. Role ng isang naghihiganting babae ang ginagampanan niya. Dahilan ng kanyang paghihiganti ang pagpapakamatay ng kanyang kapatid na ginagampanan ni Emilio Garcia na nagpakamatay dahilan sa isang lalaki. Bakla ang role dito ni Emilio.
Sa mga ibang pelikula ay baka hindi na mag-all the way si Clarissa na mayron din namang fall back sakaling di siya palarin sa pelikula. Ito ay ang kanyang singing. Hindi pa nga lamang siya sumasalang sa trabahong ito dahilan sa maganda naman ang takbo ng movie career niya. Isa pa, ayaw ng kanyang manager na sumalang siya bilang singer ng hilaw pa siya. Balak nitong pakunin pa siya ng voice lessons.
Maraming hinahawakang beauty titles si Clarissa, grand winner siya ng Mr & Miss Body Search 2002, Star Model Quest 2002, at 2003 Calendar Girl ng Lakpue.
Pumayag ang mabilis na sumisikat na sexy star na si Tracy Torres na suportahan si Clarissa sa kanyang launching movie.
Hindi kataka-taka kung mabilis ang pag-usad ng career ng baguhang artista na si Gerald Lauron. Napakalakas kasi ng karisma nito. Sa dami ng artista ng pelikulang Mapanukso, pinagkaguluhan si Gerald ng mga nanonood ng shooting ng pelikula. At kahit hindi nila alam ang pangalan niya at kung artista nga siya, hiningi nila ang autograph niya.
Kung pamilyar ang mukha niya, ito ay sa dahilang siya ang endorser ng inuming nakakalasing na Don Pedro at kasama rin siya sa komersyal ng Citibank. Isa siya sa mga alaga ng talent manager na si Leo Dominguez.
Ginagampanan niya ang role ng papa ni Emilio Garcia, naging asawa ni Tracy Torres at ka-relasyon naman ni Clarissa Mercado. Marami ang humuhula na maging mabilis ang pagsikat ni Gerald.
Parang pinagaganda ng ABS-CBN ang kani- lang image sa entertainment press. Pagkatapos ng kanilang usual na birthday blowout sa mga press na may birthday ng mga buwan ng Mayo hanggang Agosto nung Biyernes nakaraang linggo, isang masaganang tanghalian naman ang ibinigay nila para sa mga entertainment editors kahapon.
Katulad nung birthday blowout na nadaluhan ko, nandun ang ilang top execs ng network, kakwentuhan mo, kasabay mong kumakain, para talagang abot kamay mo lamang. Kung ganito nang ganito ang magiging kaso, baka bukas makalawa sila na ang "Darling Network of the Press". Dapat siguro magsimula nang mag-alala ang rival station nila.
It was a simple celebration na nagnanasang mapaglapit ang mga press at ang Network. At sa aking palagay, nagiging mabunga ito.
Pinamagatang Mapanukso, mayroon si Clarissa na total nudity sa pelikula, plus ang maiinit na lovescene nila ni Gerald Lauron. Role ng isang naghihiganting babae ang ginagampanan niya. Dahilan ng kanyang paghihiganti ang pagpapakamatay ng kanyang kapatid na ginagampanan ni Emilio Garcia na nagpakamatay dahilan sa isang lalaki. Bakla ang role dito ni Emilio.
Sa mga ibang pelikula ay baka hindi na mag-all the way si Clarissa na mayron din namang fall back sakaling di siya palarin sa pelikula. Ito ay ang kanyang singing. Hindi pa nga lamang siya sumasalang sa trabahong ito dahilan sa maganda naman ang takbo ng movie career niya. Isa pa, ayaw ng kanyang manager na sumalang siya bilang singer ng hilaw pa siya. Balak nitong pakunin pa siya ng voice lessons.
Maraming hinahawakang beauty titles si Clarissa, grand winner siya ng Mr & Miss Body Search 2002, Star Model Quest 2002, at 2003 Calendar Girl ng Lakpue.
Pumayag ang mabilis na sumisikat na sexy star na si Tracy Torres na suportahan si Clarissa sa kanyang launching movie.
Kung pamilyar ang mukha niya, ito ay sa dahilang siya ang endorser ng inuming nakakalasing na Don Pedro at kasama rin siya sa komersyal ng Citibank. Isa siya sa mga alaga ng talent manager na si Leo Dominguez.
Ginagampanan niya ang role ng papa ni Emilio Garcia, naging asawa ni Tracy Torres at ka-relasyon naman ni Clarissa Mercado. Marami ang humuhula na maging mabilis ang pagsikat ni Gerald.
Katulad nung birthday blowout na nadaluhan ko, nandun ang ilang top execs ng network, kakwentuhan mo, kasabay mong kumakain, para talagang abot kamay mo lamang. Kung ganito nang ganito ang magiging kaso, baka bukas makalawa sila na ang "Darling Network of the Press". Dapat siguro magsimula nang mag-alala ang rival station nila.
It was a simple celebration na nagnanasang mapaglapit ang mga press at ang Network. At sa aking palagay, nagiging mabunga ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended