Danilo, nagmukhang clown dahil sa make-up
September 22, 2003 | 12:00am
Palaban na ang klase ng akting ngayon ni Danilo Barrios. Sa mga unang episode ng Darating Ang Umaga, nabubwisit kami sa kanya. Hindi siya makapantay sa mga kaeksenang puro batikan sa pagganap. Maging sa confrontation scenes nila ni Patrick Garcia, talo siya.
Pero hindi na ngayon. Lumalabas na yung hidden talent niya sa pag-arte. Dito sa mga nakaraang kabanata, nakikipagsabayan na siya kina Eula Valdez at Vina Morales, pati kay Ian Veneracion at William Lorenzo na gumaganap na ama niya.
Despite his lack in height, na kay Danilo ang looks at iba pang katangian para maging isang role model of our youth at kilalanin as one of our most sought-after matinee idol.
And for those reasons, kung kaya siya nananatiling celebrity product endorser ng Bum Equipment/Bum G, along with Heart Evangelista, Judda Paolo and the Barretto Brothers.
Sa nakaraang mini-fashion show ng naturang garment company, ipinakita ang mga bagong disenyo na angkop para sa mga kabataan ng bagong henerasyon.
Si Danilo ang pang-finale sa ginanap na fashion show, bagay sa kanya ang suot na outfit, maganda siyang magdala, kainggit nga, eh. Pero bakit ganoon? Kung anu-anong kulay ang nilagay na make-up sa kanyang mukha, nagmukha tuloy siyang clown! . BEN DELA CRUZ

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended