ABS may bagong anime
September 22, 2003 | 12:00am
Inilabas ng ABS-CBN ang kanilang pinakabagong Anime na pinamagatang Project Arms. Maaari itong panoorin tuwing Lunes ng alas-singko ng hapon pagkatapos ng Rave.
Ang Project Arms ay isang kwento tungkol sa apat na estudyante na dumaan sa isang pagbabago ng pisikal na anyo kung saan ay sapilitang nilagay sa kanilang mga katawan ang arms ng isang masamang organisasyon na nagnanais burahin ang populasyon ng tao sa balat ng lupa. Ang arms na tinutukoy ay mga malalakas na sandata na nagbibigay ng walang katapusang pwersa sa kanilang mga nagmamay-ari. Subalit, ang mga arms din na ito ay determinadong sakupin ang kanilang tinitirahang mga katawan sa paglipas ng panahon.
Ang apat na estudyante, sina Ryo (isang mabait na mag-aaral), Hayato (ang pikon na kaibigan ni Ryo), Takeshi (isang bagong lipat at mahiyaing estudyante) at Kei (ang babaing kamukha ng nawawalang kasintahan ni Ryo, si Katsumi), ay umaasa at lumalaban upang makamit ang katotohanan mula sa Egregori, ang masamang organisasyon, kung sino sila, saan sila nanggaling, at bakit sila binigyan ng mga biyaya na ito.
Samahan ninyo ang ating apat na bida sa palabas na Project Arms sa kanilang pakay na malaman ang mga katotohanan sa kanilang mga sarili at labanan at pigilan ang Egregori at alamin kung ano ang balak ng masamang organisasyon na gawin sa lahat ng katauhan at sa buong mundo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended