Boyfriend ni Camille, tanggap ng kanyang pamilya
September 22, 2003 | 12:00am
Kapit-bahay lamang namin ang Prats family sa isang village sa Cainta Rizal. Isang hapon, naroon kami sa bahay ng mga Prats para i-pictorial ang kanilang bahay para sa S Magazine. Inabutan namin doon ang kasintahan ni Camille Prats na si Francis Ricafort, ang nakababatang kapatid ng aktres na si LJ Moreno. Kitang-kita namin kung gaano ka-sweet ang magkasintahan at tanggap si Francis ng family ni Camille. Para na ngang ka-pamilya si Francis kung tratuhin ng pamilya ng young star dahil bukod sa kasintahan siya ni Camille, barkada pa siya ni John.
Second year high school pa lamang si Camille ay crush na siya ni Francis. Nung una, tila atubili si Francis na ligawan ang nakababatang kapatid ni John dahil ayaw niyang magkasira sila ng kanyang bestfriend na si John. Pero si John na rin mismo ang naging tulay para magkalapit ang loob nina Francis at Camille.
Sa nakaraang debut ni Camille, si Francis siyempre ang special guy ng dalaga.
Ang maganda kay Francis, malapit ito sa Diyos at desididong makapagtapos ng pag-aaral. Same school bale sila nina John at Camille, sa Thames International School. First year college sa marketing si Camille habang Business Management naman pareho ang kinukuha ng magkaibigang John at Francis na nasa second year college na.
Samantala, kung si John ang endorser ng Hawk Bags, si Camille naman ang pinakabagong image model ng BCNY.
Ayon sa mga taga-BCNY, kinuha nila si Camille dahil sa pagiging role model nito sa mga kabataan.
Isang twin-bill movie ang kasalukuyang tinatapos ng Star Cinema, ang First Romance na tinatampukan nina John Prats at Heart Evangelista na pinamamahalaan ni John-D Lazatin sa unang episode at sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo naman sa pangalawang episode mula sa direksyon ni Don Cuaresma.
Bukod sa pelikulang kanyang ginagawa, may tatlong regular TV shows din si John sa kanyang home studio. Nariyan ang ASAP Mania every Sunday, ang Berks tuwing Sabado at ang Cover Story sa Cinema One. Mapapabilang din siya sa isang soap opera na pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na siyang makakapalit ng Kay Tagal Kang Hinintay na magtatapos na sa susunod na buwan.
Dahil sa pagiging busy ni John sa kanyang mga showbiz commitments, 15 units lang ang kanyang kinuha this sem sa school.
Si John ay panganay sa limang anak nina Donie at Alma Prats. Sumusunod kay John (19) si Camille (18), Carlo (13), Naomi (6) at Raffy (5).
Kung may royalty lamang ng awiting Tell Me, malaki na marahil ang kinita ng composer na si Louie Ocampo. Unang pinasikat ang nasabing awitin ni Joey Albert, dating kasintahan ni Louie. Ni-revive ito ng Side A. Kamakailan lamang ay muli itong nirecord ng L.A. based Filipina pop singer na si Sharon T na siyang nagpasikat ng awiting Awakening. Ang sariling version ni Sharon T ng Tell Me ay kanyang nirecord sa DW Studio sa Woodland Hills, California at ni-remix ni Chris The Greek at nakatakdang i-release ng DJG Trax.
Kamakailan lamang ay dumating sa bansa si Sharon T at nag-guest sa ilang local TV and radio programs.
Naniniwala ang concert king na si Martin Nievera na ang kanyang matagumpay na pagtatanghal sa Golden Nugget Showroom sa Las Vegas, Nevada ay magbubukas ng pintuan sa iba pang mga Filipino entertainers na mapasok din ang nasabing lugar na dominated na mga Hollywood greats tulad nina Frank Sinatra, Sammy Davis at iba pa.
Muling babalik si Martin sa Golden Nugget Hotel for a four-month singing engagement simula sa December 31 na magtatapos sa buwan ng Abril sa susunod na taon.
Ang ongoing series of limited engagement ni Martin sa Onstage sa Greenbelt, Makati ay magiging huling pagtatanghal ni Martin sa Pilipinas sa taong ito dahil sa unang linggo ng Oktubre ay nakatakda siyang umalis patungong Amerika for a series of concerts kasama ang kanyang dating misis, si Pops Fernandez. Babalik sa bansa si Martin sa kalagitnaan ng November pero muli siyang aalis sa December para mapaghandaan ang kanyang four-month singing engagement sa Golden Nugget Hotel.
Ayon kay Martin, ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na magsi-celebrate siya ng Pasko, Bagong Taon at Araw ng mga Puso na malayo sa kanyang pamilya.
Dahil matagal na mawawala si Martin sa Pilipinas, iiwan naman niya ang kanyang pinakabagong album, ang Chasing Time Vol. 2 na malapit na umanong umabot sa platinum mark.
Samantala, dahil isang buwang mahigit silang magkakasama ng kanyang ex-wife na si Pops, wala kayang milagrong mangyari? Ano nga kaya?
Second year high school pa lamang si Camille ay crush na siya ni Francis. Nung una, tila atubili si Francis na ligawan ang nakababatang kapatid ni John dahil ayaw niyang magkasira sila ng kanyang bestfriend na si John. Pero si John na rin mismo ang naging tulay para magkalapit ang loob nina Francis at Camille.
Sa nakaraang debut ni Camille, si Francis siyempre ang special guy ng dalaga.
Ang maganda kay Francis, malapit ito sa Diyos at desididong makapagtapos ng pag-aaral. Same school bale sila nina John at Camille, sa Thames International School. First year college sa marketing si Camille habang Business Management naman pareho ang kinukuha ng magkaibigang John at Francis na nasa second year college na.
Samantala, kung si John ang endorser ng Hawk Bags, si Camille naman ang pinakabagong image model ng BCNY.
Ayon sa mga taga-BCNY, kinuha nila si Camille dahil sa pagiging role model nito sa mga kabataan.
Bukod sa pelikulang kanyang ginagawa, may tatlong regular TV shows din si John sa kanyang home studio. Nariyan ang ASAP Mania every Sunday, ang Berks tuwing Sabado at ang Cover Story sa Cinema One. Mapapabilang din siya sa isang soap opera na pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na siyang makakapalit ng Kay Tagal Kang Hinintay na magtatapos na sa susunod na buwan.
Dahil sa pagiging busy ni John sa kanyang mga showbiz commitments, 15 units lang ang kanyang kinuha this sem sa school.
Si John ay panganay sa limang anak nina Donie at Alma Prats. Sumusunod kay John (19) si Camille (18), Carlo (13), Naomi (6) at Raffy (5).
Kamakailan lamang ay dumating sa bansa si Sharon T at nag-guest sa ilang local TV and radio programs.
Muling babalik si Martin sa Golden Nugget Hotel for a four-month singing engagement simula sa December 31 na magtatapos sa buwan ng Abril sa susunod na taon.
Ang ongoing series of limited engagement ni Martin sa Onstage sa Greenbelt, Makati ay magiging huling pagtatanghal ni Martin sa Pilipinas sa taong ito dahil sa unang linggo ng Oktubre ay nakatakda siyang umalis patungong Amerika for a series of concerts kasama ang kanyang dating misis, si Pops Fernandez. Babalik sa bansa si Martin sa kalagitnaan ng November pero muli siyang aalis sa December para mapaghandaan ang kanyang four-month singing engagement sa Golden Nugget Hotel.
Ayon kay Martin, ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na magsi-celebrate siya ng Pasko, Bagong Taon at Araw ng mga Puso na malayo sa kanyang pamilya.
Dahil matagal na mawawala si Martin sa Pilipinas, iiwan naman niya ang kanyang pinakabagong album, ang Chasing Time Vol. 2 na malapit na umanong umabot sa platinum mark.
Samantala, dahil isang buwang mahigit silang magkakasama ng kanyang ex-wife na si Pops, wala kayang milagrong mangyari? Ano nga kaya?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended