^

PSN Showbiz

Nakikipag-date kay Aiko habang nagtatrabaho si Ara

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sinisisi na ngayon ni Katrina Paula ang matabil niyang bibig at ang makati niyang dila. Dapat daw pala’y nanahimik na lang siya nang makita niyang magkasama sa isang karaoke bar sina Konsehal Aiko Melendez at Jomari Yllana. Sana raw ay hindi na lang niya tinawagan si Ara Mina tungkol du’n.

"Ewan ko ba? Hindi ko nga rin alam kung bakit ko pa kasi nakati-katihang sabihin ‘yun kay Ara, e! Sana, nanahimik na lang ako!

"Nagsisisi na ako ngayon, lumaki na kasi nang lumaki ang issue, ako tuloy ang nakapagitan sa kanila ni Aiko!" tuluy-tuloy na sabi ni Katrina.

Tahimik lang daw kasi siyang nakaupo noon sa may reception area ng Music 21 sa Timog. Naghihintay daw siya ng mababakanteng kwarto, nang makita niyang dumaan si Jomari.

Nakayuko raw ito, kaya siya ang bumati, pagkatapos ay nag-text na siya agad kay Ara na nakita niya raw si Jom.

"Hindi ko pa alam na sila pala ni Aiko ang magkasama, naghihintay na pala siya sa itaas. Nalaman ko na lang na si Aiko pala ang kasama niya dahil sinabi sa akin ng mga tao roon," sabi ng sexy star.

Nu’ng mag-CR siya ay saka lang niya nakumpirmang si Aiko nga ang kasama ni Jomari. Nag-hi raw siya sa aktres-pulitiko at nag-hi naman ito pabalik sa kanya, at ikinatuwa ‘yun ni Katrina.

"Kasi nga, di ba, sinungitan niya ako dati? Nagkaroon kami dati ng intriga ni Aiko, dahil nu’ng baguhan pa lang ako, may itinuro ang manager ko na sabihin ko raw sa mga reporter, para mapag-usapan ako!

"Ako namang luka-luka, sinunod ko ang manager ko, ipinagkalat ko na nahada ko si Jom sa mismong kotse ni Aiko!

"Kaso lang, pumalpak ang gimmick ko, blue ang nasabi kong kulay ng Chedeng ni Aiko, e, puti pala ‘yun?! Ayun, nagalit na siya sa akin!

"So, nu’ng nag-hi siya sa akin sa CR ng Music 21, natuwa ako, ‘yun kasi ang unang-unang pagbati niya sa akin mula nu’ng nagkaroon kami ng away sa print," kwento pa ng taklesang sexy star-manager na ngayon.
* * *
Kahit anong pagtatakip pa kay Ara ang gawin ni Katrina ay nahuhuli pa rin siya sa bibig. Sabi niya kasi, dinedma lang ni Ara ang pagkakita niya ru’n kina Aiko at Jom, pero maya-maya lang ay iba na ang kanyang mga sinasabi.

"Galit si Ara, kasi, inaasar daw siya ni Aiko! Inis na inis siya, kasi nu’ng tanungin niya si Jom kung nasaan, nagsinungaling pa raw sa kanya!

"Ang sabi niya sa akin, e, tingnan ko raw kung ano ang ginagawa nu’ng dalawa sa kwarto. Kaya ako naman, daan ako nang daan! Hindi ako nagpapa-obvious, pero sinasadya kong magdaan du’n para makita ko talaga kung ano ang ginagawa nila!

"Ayun, itinext ko sa kanya na nakita kong kumakanta si Jom at nakahilig naman si Aiko sa balikat ni Jom! Nagalit siya talaga!" sabi pa ni Katrina.

Ang sabi ng sexy star ay hindi raw nagti-text sa kanya si Ara, siya pa nga raw ang tumatawag sa nagteteyping na dalaga. Pero nang banggitin namin sa kanya ang ilang mensaheng ipinadala sa kanya ni Ara ay naloka siya.

"Naku, paano nalipat sa cellfone mo ang mga dapat, e, nasa telepono ko lang? Bakit mo nakuha ang mga messages sa akin ni Ara? Naku, baka isipin niya naman na inilalaglag ko siya!

"Oo, text nga niya sa akin ang mga ‘yan, pero bakit napunta sa iyo? Promise, hindi ko ipinasa ‘yan kahit kanino?" huli na ang mga paliwanag ni Katrina.

Kaibigan daw niya si Ara, kaya awang-awa siya sa dalaga, bakit kasi ganu’n si Jomari, habang nagtatrabaho si Ara ay si Aiko naman ang kasama nito?

AIKO

AKO

ARA

JOM

KASI

LANG

NIYA

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with