^

PSN Showbiz

Nagalit ang fans ng F4 nang VTR lang ang ipinakita sa ASAP

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Ilang oras lang ang pahinga ni Piolo Pascual habang nasa Italy. Paglipad nila noong isang linggo, nagsimula na silang mag-shooting kina-Lunesan.

Ayon sa tawag ni Piolo sa kanyang ate, didiretso ang shooting ng pelikula nila ni Claudine Barretto na Ikaw Ang Buhay Ko (tentative title pa rin na dating Milan).

Hindi naman nagrereklamo si Piolo dahil alam nilang trabaho talaga ang ipinunta nila roon. Kung magkaroon man sila ng konting panahon mamasyal at mag-shopping, swerte na lang daw.

Kailangan kasing matapos lahat ang mga eksenang kukunan sa Milan, Venice at Rome. Sa October 3 pabalik na sa bansa si Piolo. Hindi agad siya makapagpapahinga, dahil kinabukasan, may solo show siya sa Mimosa sa Clark Field, Pampanga.

Alam ba ninyo kung bakit napakasipag ni Piolo, kahit sabihin pang lahat ng kailangan niya sa buhay ay nasa kanya na? Siya ay isang mabait na kapatid at apo na tumangkilik sa kanyang tatlong kapatid, lola’t lolo.

sa ngayon ay maganda na rin ang buhay ng kanyang dalawang ate at isang kapatid na lalaki. Ang mga kapatid na babae–ang isa ay may convenience store at ang pangalawa naman, may beauty parlor.

Ang brother ni Piolo, nagsimula ng negosyong water station. Siya ang sumasagot sa lahat ng pangangailangan.

Ang lola ni Piolo ay magdiriwang na ng 100th birthday sa Disyembre. Kaya bago mag-Pasko, uuwi ang nanay at dalawa pang kapatid na babae ni Piolo na nasa States.

Ngayon pa lamang, Piolo’s looking forward to a happy family reunion at tiyak niyang madodoble ang saya ng Pasko nilang mag-anak.

Nakatakda na sa January 25, 2004 ang first major concert ni Piolo Pascual sa Araneta Coliseum. Kaya magtatagal ng ilang buwan ang mama niya’t mga kapatid na nasa States dito upang mapanood ang malaking event na ito sa career ng actor/singer.

Ang Ikaw Ang Buhay Ko naman, malamang na hindi na isali sa Metro Manila Film Festival. Hindi kasi matatapos ang pelikula upang mahabol ang deadline.
* * *
Noong mag-announced ang ABS-CBN na guest nila ang F2 sa ASAP last Sunday, dumagsa ang mga fans sa studio ng network. Nagkakagulo ng husto roon ang mga tao.

Hindi naman sinabi ng network na VTR lang ang ipapakita. Alam kasi ng lahat, pupunta talaga roon ang dalawang members ng F4. Kaya nang malaman na wala talaga roon ang hinihintay nilang mga taga-Taiwan, nagwala ang mga umasa. Nagmumura at nagsabing, "sana sa bahay na lang kami nanood."

Ang iba naman, pinagpupukpok pa ang mga gates. Sa tuwing may nagdaraang helicopter sa mga oras ng palabas, nagsisigawan ang mga hindi nakapasok na "hayun, hayun, doon sila nakasakay!".

Ang reklamo naman ng mga nagkapalad makapasok, niloko lang sila. Kaya naman nang kumakanta na ang kanilang foreign guest na si Michael Buble, walang reaksyon ang mga tao sa studio. Dedma talaga, pati tuloy ang mahusay na artist, nadamay.

Paano naman mapupunta ng live ang F2 sa ABS-CBN studio, alas-9 pa lang ng umaga, nasa airport na sila. Lumipad na ang kanilang airplane na sinakyan noong alas-11 ng umaga. Ito ang oras na talagang nagkakagulo sa pagpasok sa studio ang mga tao. Wala silang kaalam-alam na lumilipad na ang dalawang Tsinong gusto nilang makita.

ALAM

ARANETA COLISEUM

CLARK FIELD

IKAW ANG BUHAY KO

KAYA

NAMAN

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with