^

PSN Showbiz

Jen, pumayag na hawakan ng newcomer ang kanyang boobs!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ipinakilala ni Jojo Veloso noong birthday niya ang bago niyang alagang kahawig ni Richard Gomez na si Jon C. Bonal.

Kasama ito sa pelikulang First Time ng Viva Films kung saan may lovescene sila ni Jen Rosendahl. Pumayag ang seksing aktres na mahawakan ang kanyang malulusog na dibdib ng baguhang aktor.

Ninerbyos si Jon at di makatulog nang gabing matapos ang eksena. Nagka-crush ito sa sexy star.

Masayang ibinalita ni Biliran Board member na marami ng hukbo ng tagahanga ang kanyang alaga na sinusuportahan ang una nitong paglabas sa pelikula. Contract star ng Viva Films si Jon.
Saan Napupunta Ang Pera Ng Metro Manila Film Festival?
Sa isang presscon ni Gigi Malonzo para sa bubuksang bagong TV show kung saan siya ang host ay isinama nito ang kabiyak na si Mayor Rey Malonzo na over-all vice chairman ng Metro Manila Film Festival sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ng alkalde kung saan napupunta ang pera ng Metro Manila Film Festival.

May mga beneficiaries ang film festival. Binigyan ng higit na pagpapahalaga ang film piracy. Nabigyan din ng grants ang ibang guilds na bumubuo sa Film Academy of the Philippines (FAP) na umbrella organization ng industriya ng pelikulang Pilipino. Per guild ay tumanggap ng P150,000 gaya ng Producers Guild, Actor Guild, Directors Guild at iba pa. Kaya ang 12 guilds na ito ay nabigyan ng kabuuang halagang P1.8 milyon.

Magkakaroon ng meeting ang executive committee kung saan pag-uusapan ang final entries sa darating na Metro Manila Film Festival. Tuluyan nang nag-back-out ang Milan na entry ng Star Cinema at di pa tiyak kung makakahabol ang entry ni Dolphy na nagpasabi nung una na magba-back-out din. Karamihan sa mga entries ngayon ay magaganda rin at pambata gaya ng Gagamboy, Kapten Barbel, Funtasticman 2 at ibang pelikulang pangdrama.
Bayani, Hiniling Na Makasama Si Long Sa Mtb
Ipinaliwanag ni Bayani Agbayani na kahit nasa Dos na si Long Mejia ay di siya nai-insecure dito lalo na kapag magkasama sila sa MTB. Katunayan sinabi nitong siya ang nag-request sa management na isama si Long sa kanilang programa para mas masaya. Isa pa, di na kailangang ma-insecure ni Bayani sakaling may mga bagong pasok na komedyante sa Dos dahil matatag na ang kanyang kinalalagyan. Tatlo ang regular shows niya gaya ng MTB, OK Fine Whatever at Klasmeyts. Sobrang biyaya na ang natatanggap kaya hindi na niya kailangang ma-insecure sa kapwa.
Sunshine, Isinama Ni Lamangan Sa Mmffp Movie Ng Viva
Excited si Sunshine Dizon dahil kasama siya sa pelikulang Paano Kita Pasasalamatan dating Pilipinas, Minsan May Isang Ina na entry ng Viva sa darating na Metro Manila Film Festival.

Naniniwala si Direk Joel Lamangan sa galing umarte ni Shine kaya ito mismo ang nagsabing dapat na kasama sa cast ang young actress. Nakatrabaho na kasi nito si Shine sa teleserye na Kung Mawawala Ka ng GMA 7. Naging maganda ang working relationship nila kaya naipangako ni Direk na isasama siya sa kanyang mga proyekto mapa-TV o mapa-pelikula.
Alex, Di Dadalo Sa Kasal Ni Assunta
Nagti-text si Assunta de Rossi sa nakababatang kapatid na si Alex para imbitahin ito sa kanilang kasal ni Jules pero hindi ito sumasagot. Para kay Alex, mahalaga ang kanyang pamilya at nakikiayon siya sa mga ito sa di pagsipot sa kasal ni Assunta.

Ayon kay Alex, hindi ang kanyang kapatid ang malaking dahilan kung bakit ayaw niyang maging maid of honor sa kasal nito dahil katwiran niya ang kapatid ay kapatid at hindi niya ito matitiis. Pero hindi pa rin niya matanggap si Jules bilang asawa nito.
Lady Produ, Ipinadadala Sa Bahay Ang Natitipuhang Waiter!
Nagka-crush pala ang isang lady producer sa isang waiter ng kanyang restaurant and bar kaya ipinasundo niya ito sa kanyang driver. Magaan ang kanyang loob sa waiter pero, kapag nabalitaan niya na may ibang nililigawan ay tsutusugihin niya ito sa trabaho.

Ang lady produ ay magaling ang PR kaya maraming kaibigan sa showbiz. Siya rin ay lumabas na sa pelikula under her production outfit.

vuukle comment

ALEX

CENTER

FILM

KANYANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with