^

PSN Showbiz

Ara,nag-iiyak nang makipagkita si Jomari kay Aiko ng walang pasabi

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Totoo ang kasabihan na kung kailan wala na ang tao ay saka lang natin nakikita ang kanyang kahalagahan.

Magandag halimbawa ng kasabihang ito ang dating mag-asawang Jomari Yllana at Konsehal Aiko Melendez, dahil kung kailan pa pinawalang-bisa na ng korte ang kanilang kasal, ay saka naman sila naging magkaibigan.

Nu’ng nagsasama pa ang dalawa ay pumasok sa eksena ang pangalan ni Ara Mina, nagkaroon ng tatsulok, hanggang sa magkahiwalay na nga ang mag-asawa.

Ilang buwan na ngayon ang nakararaan ay naging pormal ang paghihiwalay nila. Libre nang pareho sina Aiko at Jomari, dahil annulled na ang kanilang kasal sa huwes at sa simbahan.

Diretso man o patagilid ay umamin na sina Ara at Jomari na meron nga silang relasyon, akala ng lahat ay natuldukan na ang relasyon nina Aiko at Jom at si Andrei na lang ang nag-uugnay sa kanila.

Pero naging baligtad ang pangyayari, kung kailan tapos na ang relasyon nina Aiko at Jomari ay saka naman gumanda ang kanilang relasyon, ngayon pa sila madalas na nagkakausap at nagkikita ng personal.

Nu’ng nakaraang Lunes ng gabi, marami ang nakakita kina Aiko at Jomari sa Music 21 sa Timog. Madaling-araw nang umalis du’n ang dalawa, nakaakbay pa si Jom sa aktres-pulitiko at sa isang kotse lang sila sumakay.

Bukod sa mga nandu’n ay nakita rin ni Katrina Paula ang dalawa, kaibigan ni Katrina si Ara, kaya ang kwento ay mabilis na bumiyahe sa pamamagitan ng text.

Natural, na-shock si Ara sa ibinalita ni Katrina, dahil ang alam ni Ara ay hindi si Aiko ang kasama ni Jomari. Nang tanungin kasi nito ang aktor kung nasaan at kung sino ang kasama ay ibang lugar ang sinabi ni Jom at ibang tao rin, kabaligtaran ng ibinalita ni Katrina na nakita nitong magkasama ang dating mag-asawa sa isang videoke room lang sa Music 21.

Nagti-taping noon si Ara ng Bubble Gang, kaya natural lang na masira ang diskarte nito. Nag-iiyak ang sexy star sa kanyang nalaman.

Galit na galit si Ara kay Aiko at hindi kay Jomari, kung anu-anong salita ang idinikit nito kay Aiko, mga salitang hindi kayang tanggapin ng aktres-konsehala.
* * *
Sana’y huwag na lang masamain ni Ara ang sitwasyon, walang masama kung nag-uusap man ng madalas o nagkikita ngayon sina Jomari at Aiko. Hindi naman madaling kalimutan ang mahigit na anim na taon nilang pinagsamahan.

Kung pinayagan man nilang matuldukan ang kanilang kasal, ang alaala ng nakaraan ay hindi ganu’n kadaling itapon dahil sa mata ng Diyos at ng mga tao ay nagsama sila sa isang bubong lang nang mahabang panahon.

Kahit para na lang kay Andrei ay puwedeng gawin ’yun nina Jomari at Aiko, dahil wala namang kasalanan ang kanilang anak sa pangyayari. Ang nagawang pagkakamali ng mga magulang ay hindi dapat ipinapapasan sa anak.

Hindi dapat sinasabi ni Ara ang salitang naglalandi na naman si Aiko para asarin ito. ’Yun ang itinext ni Ara sa isa nitong kaibigan nang malaman ang pagkikita ng dalawa, hindi hinihingi ng pagkakataong ganito ang kakitiran ng utak.

Bakit kay Aiko kailangang magalit si Ara? Dapat ay kausapin nito si Jomari. Ang aktor ang kailangang tanungin ni Ara kung bakit ipinagkaila nito ang pangyayari, dahil ang karelasyon naman nito ang nagsingungaling sa kanya.

Text pa ni Ara, "Ano itsura ni Aiko? Mataba pa rin? Sweet ba sila ni Joms?"

Nakakatawa, dahil pati ang katawan ng aktres-pulitiko ay binubusisi ni Ara, samantalang pareho lang naman silang kailangang mag-diet.

AIKO

ANDREI

ARA

ARA MINA

JOM

JOMARI

KUNG

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with