^

PSN Showbiz

Cholo Barretto, nililigawan ni Bea Alonzo

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nitong nagdaang araw ay sunud-sunod na birthday parties ang napuntahan ko. Una ay ang party ni Freddie Bautista. Si Freddie ay ang talent coordinator ng mga ABS-CBN show tulad ng Masayang Tanghali Bayan, Morning Girls at Showbiz Sabado. Si Freddie rin ang business manager nina Angelica Jones, Pia Moran at ang mga bagets ng Feeling F4.

Ginanap ang party ni Freddie sa kanilang bahay sa Teacher’s Village sa Quezon City. Masaya ang celebration dahil sa videoke singing contest. Ilan sa mga nakisaya kay Freddie ay sina Jenny Miller, Pia Moran at ang boys ng Feeling F4. Naroon din ang katrabaho ni Freddie sa ABS-CBN Talent Center where he also works as TV Promo Coordinator. Kasama siyempre ni Freddie ang kanyang pamilya, kaibigan at katrabaho na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Isa si Freddie sa masasabi kong tunay kong kaibigan sa industriyang ito.
* * *
Ikalawang party na pinuntahan namin ay ang double celebration nina Cholo Barretto at Ketchup Eusebio. Iba naman ang crowd sa nasabing party na ginanap sa Mustang Manila along Pasong Tamo, Makati. Bagets mostly ang guests. Kaya medyo tahimik lang kami ni Ms. Nini Matilac sa isang corner. But we had fun sa nasabing party.

Nakisaya kina Cholo at Ketchup ang mga ka-Berks nilang sina Patrick Garcia, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Angelica Panganiban, Sarah Christopher, John Barretto at Dustin Reyes.

"Halos magkasunod ang birthday namin so we decided to celebrate it together," sabi ni Cholo.

Si Cholo ay ang nababalitang manliligaw ni Bea Alonzo pero kapag tinatanong ang binata, ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol sa kanyang panliligaw.

Si Ketchup naman ay ang very promising newcomer na napapanood sa Berks at Tanging Ina bilang gay son ni Aiai.
* * *
Noong Sunday naman ay ang bonggang birthday party ni Wenn Deramas, ang tinaguriang all-time box-office director na ginanap sa Ratsky’s Morato. Maaga pa lang ay marami ng guests. Nakita namin sina Tessie Tomas, Candy Pangilinan, Ricky Davao, Karla Estrada, Carmi Martin, Gladys Reyes, Jan Marini, Gerard Pizarras, Carla Martinez, Ciara Sotto with mom Helen, Yooki Kadooka.

No’ng palaon na ang gabi, sunud-sunod na nagdatingan sina Carlos Agassi, Carlo Aquino, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Ketchup Eusebio, Marc Acueza, Luis Alandy, Victor Neri, Miko Palanca, Jojo Manlongat, Nikki Valdez, Assunta de Rossi with husband Jules Ledesma, Neil Sese, Marjorie Barretto, Dennis Padilla, Roderick Paulate, John Lapus, Deejay Durano.

Present ang mga director na sina Don Cuaresma, Lauren Dyogi, Andoy Ranay, Erick Salud, Jojo Saguin at mga kaibigan ni Direk Wenn sa ABS-CBN like Deo Endrinal, Roxy Liquigan, Biboy Arboleda, Tess Fuentes, Nini Matilac, Joel Siervo, Aida Espiritu, Neil del Rosario, Pam Pamintuan, Ricci Chan. Sa laki ng Ratsky, marami pang guests na hindi na namin nakita.

Wala ang ilan sa malalapit sa puso ni Direk Wenn na sina Claudine Barretto, Piolo Pascual at Aiai delas Alas. Nung Sunday din kasi umalis sina Claud at PJ papuntang Milan, Italy para simulan na ang kanilang movies. While si Aiai naman ay nasa America for a series of shows at bakasyon na rin.

"Masaya ako sa mga taong nakisaya sa birthday ko," sabi ni Direk Wenn. "I have all the reasons naman kasi to celebrate. Masaya ang buhay ko."

Direk Wenn has been blessed with a flourishing movie and TV career, a supportive family (he has 3-year old son na si Gabby) at masayang lovelife.

Kina Freddie, Cholo, Ketchup at Direk Wenn, ang aming mainit na pagbati sa inyong kaarawan. Dalangin ko ang lahat ng kabutihan sa inyong buhay!
* * *
For your comments and reactions, you can e-mail me at ericjohn [email protected]

vuukle comment

AIAI

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

DIREK WENN

FREDDIE

KETCHUP EUSEBIO

MASAYA

PIA MORAN

SI FREDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with