^

PSN Showbiz

Vina, nag-join sa New York Music Festival

-
Dahil sa on-going soap ni Vina Morales, ang Darating Ang Umaga ay tinalikuran ng aktres ang malaking pagkakataong matupad ang pangarap na makapasok sa international music scene. Bago nito simulan ang kanyang US series of concert ay pinaunlakan nito ang imbitasyong sumali sa New York International Music Festival. Ginanap ito nitong nakaraang buwan sa Brenton Hotel, Las Vegas.

Sabi ni Vina, isang showcase of singing talents ang naturang pestibal na sinalihan ng mahigit sa dalawang daang mang-aawit sa buong mundo. "There were groups of record producer to search for talents. Maraming mga ahente na tutulong para sa bookings kaya naman, namigay kami ng kanya-kanyang portfolio sa kanila."

Natuwa naman ang aktres dahil may nakipag-usap sa kanya na interesado siyang tulungan para mapasok nito ang Hollywood. Ang naging problema sa aktres ay kinakailangan nitong manirahan sa Amerika na nangangahulugang maiiwan nito ang kanyang showbiz commitments at mga negosyong naipundar. "It was a tough time to decide kasi kaya naman ako nagpunta ay para mabigyan ng break sa international scene pero heto, nagdadalawang isip ako."

Masaya na rin ang aktres kahit nangahulugang pinakawalan nito ang pagkakataong maging international singer dahil para sa kanya, isang malaking oportunidad sa kanya na mapasama sa naturang event. AD

AMERIKA

BRENTON HOTEL

DAHIL

DARATING ANG UMAGA

GINANAP

LAS VEGAS

MARAMING

MASAYA

NEW YORK INTERNATIONAL MUSIC FESTIVAL

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with