Andrea, feel maka-1 night stand si Martin
September 15, 2003 | 12:00am
Hindi ikinakaila ni Andrea del Rosario na crush niya si Martin Nievera. Kaya ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan nang kunin siyang guest sa ginawa nitong MTV para sa bagong single na "Hanggang Ngayon" para sa bagong album ni Martin. Idinagdag pa ni Andrea na willing siyang magkaroon ng one-night stand affair sa concert king. Bukod kay Martin, iba rin umano ang appeal ng co-star niya sa Bugbog Sarado na si Victor Neri.
"Hindi ganoon ka-gwapo si Victor, pero meron siyang animalistic appeal sa babae," ani Andrea na hiwalay na ngayon sa kanyang French boyfriend.
Tulad ng maraming celebrities, si Andrea ay produkto ng broken family. Siyam na taong gulang lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nang magsimula siyang kumita sa pagiging artista, tumulong siya sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nakabukod na ngayon si Andrea sa kanyang ina at mga kapatid. Isang semester na lamang ang kanyang bubunuin ay tapos na sana niya ang kanyang advertising course sa St. Scholastica sa Manila pero inagaw na siya ng showbiz.
Matapos siyang i-launch sa Lupe, ngayon lang muling mapapanood sa pelikula si Andrea Bugbog Sarado na tinatampukan din nina Maui Taylor, Jordan Herrera, Victor Neri, Marky Lopez at Carlos Maceda mula sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Ibinalita sa akin ng kaibigang si Manny Valera na mainit ang pagtanggap sa screening ng dalawang pelikulang Tagalog na kalahok sa Toronto International Film Festival, ang Huling Birhen sa Lupa (The Last Virgin) at Prosti. First time umano itong nangyari sa mga Filipino films na inilahok sa naturang international filmfest. Dahil sa rami ng taong gustong mapanood ang dalawang pelikula, nagdagdag pa umano ng isa pang sinehan na pagpapalabasan nito. Ang award-winning actor na si Jay Manalo ay kasama sa dalawang pelikula.
Isang tao na malapit pareho kina Martin Nievera at Pops Fernandez ang nagsabi sa amin na naniniwala siya na may natitira pang pagmamahal sa isat isa ang dating mag-asawa. Although may Cutie del Mar ngayon si Martin at nali-link naman kay Brad Turvey si Pops, sinabi ng source namin na nagkaka-selosan pa rin umano ang ex-couple. Bakit ka nga naman magseselos sa dati mong karelasyon kung wala ka nang natitirang pagmamahal dito?
Malakas ang paniniwala ng aming source na sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy nito. Malaki rin umano ang magagawa ng halos mahigit isang buwang pagsasama ng dalawa sa Amerika sa kanilang concert tour na magsisimula sa unang linggo ng Oktubre.
Sina Mystica at JayR ang mga ispesyal na panauhin ng top-rating sitcom ng GMA-7 na Daboy en Da Girl ngayong gabi (Sept. 15) sa ganap na ika-9.
Ang Daboy en Da Girl ay tinatampukan din nina Jeffrey Quizon, Sunshine Cruz, Kaye Brosas, Dencio Padilla, Jr., Robert Ortega at iba pa.
Isa umanong kept-woman ng isang businessman na hiwalay na sa kanyang asawa ang isang dating young singer-actress. Marami ang nanghinayang sa singer-actress na ito dahil bukod sa mahusay kumanta, magaling din itong umarte. Ang problema nga lamang, pinabayaan niya ang kanyang sarili at tumaba ito.
May nagbalita sa amin na kamakailan lamang bumalik ang nasabing singer-actress sa bansa na may dala-dalang bagong silang na baby. Sa Amerika umano isinilang ang kanyang unang baby. Magmula umanong bumalik sa bansa ang mag-ina, hindi na naglalabas ng bahay ang nasabing singer-actress na nagbubuhay-reyna na sana ngayon kung tinanggap ang alok na kasal ng isang mayamang foreigner businessman na matindi ang tama sa kanya.
Ang masakit nito, hindi lamang umano si singer-actress ang karelasyon ng businessman na nakabuntis sa kanya dahil marami umano itong kinalolokohang ibang babae.
<[email protected]>
"Hindi ganoon ka-gwapo si Victor, pero meron siyang animalistic appeal sa babae," ani Andrea na hiwalay na ngayon sa kanyang French boyfriend.
Tulad ng maraming celebrities, si Andrea ay produkto ng broken family. Siyam na taong gulang lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nang magsimula siyang kumita sa pagiging artista, tumulong siya sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nakabukod na ngayon si Andrea sa kanyang ina at mga kapatid. Isang semester na lamang ang kanyang bubunuin ay tapos na sana niya ang kanyang advertising course sa St. Scholastica sa Manila pero inagaw na siya ng showbiz.
Matapos siyang i-launch sa Lupe, ngayon lang muling mapapanood sa pelikula si Andrea Bugbog Sarado na tinatampukan din nina Maui Taylor, Jordan Herrera, Victor Neri, Marky Lopez at Carlos Maceda mula sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Malakas ang paniniwala ng aming source na sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy nito. Malaki rin umano ang magagawa ng halos mahigit isang buwang pagsasama ng dalawa sa Amerika sa kanilang concert tour na magsisimula sa unang linggo ng Oktubre.
Ang Daboy en Da Girl ay tinatampukan din nina Jeffrey Quizon, Sunshine Cruz, Kaye Brosas, Dencio Padilla, Jr., Robert Ortega at iba pa.
May nagbalita sa amin na kamakailan lamang bumalik ang nasabing singer-actress sa bansa na may dala-dalang bagong silang na baby. Sa Amerika umano isinilang ang kanyang unang baby. Magmula umanong bumalik sa bansa ang mag-ina, hindi na naglalabas ng bahay ang nasabing singer-actress na nagbubuhay-reyna na sana ngayon kung tinanggap ang alok na kasal ng isang mayamang foreigner businessman na matindi ang tama sa kanya.
Ang masakit nito, hindi lamang umano si singer-actress ang karelasyon ng businessman na nakabuntis sa kanya dahil marami umano itong kinalolokohang ibang babae.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended