^

PSN Showbiz

Boldsstar, may gobernador na papa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ni Maye Tongco na bida ng Katas na mayroon siyang ka-MU (mutual understanding) na isang diborsyadong gobernador mula sa Norte. Kahit anong pilit ay ayaw nitong sabihin kung sino ang kanyang papa sa kasalukuyan. Bago pa lang ang kanilang relasyon at nang tanungin ko kung DOM ito ay nag-reak agad siya. "Tita, between 38-40 years old lang siya at naipakilala na n’ya ako sa kanyang dalawang anak na binata na. Nakilala ko siya sa pamamagitan ng kaibigan ng aking manager. Hindi siya seloso at never akong pagbabawalan na lumabas sa bold movies," aniya.

Di living in style ka?

"Di nga Tita dahil hindi naman ako bilmoko girl at nahihiya ako sa kanya. Noon ngang nakaraang birthday ko ay ipinasyal lang niya ako sa isang nearby town. Yon lang ang regalo niya at kuntento na ako run," sey pa nito.

Dahil sa kanyang kinikita sa pelikula ay naibili na niya ng kumpletong appliances ang pamilya sa Cebu. Kaya lang wala pa siyang kotse at nag-iipon pa.

Muling ipakikita ni Maye ang kaseksihan sa Katas na prodyus ng kanyang manager na si Bing Tongco.
Janice, Okey Lang Kung Buntis Si Vanessa
Naitanong namin kay Janice de Belen kung ano ang reaksyon niya sa balitang tatlong buwang buntis si Vanessa del Bianco. Ang itinuturong ama ay ang ex-hubby niyang si John Estrada.

"Ayoko na ngang pag-usapan yan but if ever totoo nga, okey lang sa akin. Wala na ako sa buhay nila kung anuman ang gustuhin nila. Hindi ako mahilig sa tsismis at ayaw kong makialam kung totoo nga ang balita na buntis siya," sey ng host ng Sis.

Umaasa naman ito na matatapos ngayong taon ang pagdinig sa annulment case nila. Tanggap na rin ng kanyang mga anak na sina Moira, Inah, Kyla at Yuan na hindi na sila magkakabalikan pa ng kanilang ama. Napatawad na ni Janice si John pero hindi pa handang makipagkaibigan sa dating asawa although may communication naman silang dalawa.

"Nag-uusap kami sandali at pumupunta siya sa bahay kapag wala ako roon," aniya.
Sexy Star, Muntik Nang Matsugi
Nakawentuhan namin ang executive producer ng Extra Challenge na si Margie Natividad. Nabanggit niya na parang telenobela ang kanilang programa dahil inaabangan ito ng mga tao. Feeling nila ay di scripted ang mga ginagawa nila at nararamdaman ang bawat reaksyon ng mga bisita gaya ng nangyari kay Glorietta Magdalo na muntik nang mamatay.

"May isang eksena na nakabitin siya sa lubid habang patawid sa isang tulay sa Rizal Province. Inatake ito ng asthma at nagkataon na ang kanyang nebulizer ay nasa bag. Akala ni Paolo Bediones ay umaarte lang ito pero nang nahihirapan nang huminga, namumutla na at nanlalamig na ang katawan ay itinakbo nila ito sa karatig na ospital," anang produ.

Nasa ikalimang taon na ang Extra Challenge na ngayon ay kinikilalang unang daily Pinoy Reality-TV. Sa Extra Challenge nina Miriam Quiambao at Paolo Bediones walang hamon na di nila kakayanin.
Jennifer, Matagumpay Na Negosyante
Nakita namin si Jennifer Sevilla sa launching ng papaya soap ni Janna Victoria. Napag-alaman namin na break na pala sila ng kanyang nobyong doctor.

Ayon kay Jenny ay incompatible silang dalawa pero nanatili namang mabuting kaibigan. "Katunayan kliyente ko siya at laging umo-order ng uniforms sa akin."

Manaka-naka na lang kung gumawa ng pelikula ang aktres dahil sa kanyang negosyo. Ang nangyari tuloy ay sideline na lang nito ang pag-aartista.

AKO

BING TONGCO

EXTRA CHALLENGE

GLORIETTA MAGDALO

JANICE

KANYANG

LANG

PAOLO BEDIONES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with