^

PSN Showbiz

Juliana tinalo sa takilya si Aiai

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tinanong ko ang aming sales manager at booker na si Susan Ramirez ng Solar Films kung alin sa movie nina Aiai delas Alas at Juliana Palermo ang mas malakas ang kita sa takilya.

Ayon kay Susan, mas kumita ang www. XXX.com. Siguro dahil may pagka-porno ang dating ng movie ni Juliana at curious ang mga manonood lalo na ang mga kalalakihan sa bagong sexy star.
Rufa, Di Gagawa Ng Soap!
Abala ngayon si Rufa Mae Quinto sa paggawa ng pelikula. Kontrabida ito sa Captain Barbel at may solo movie ito titled Masikip Sa Dibdib Sa Buhay ni Bobita Rose under Viva Films. Hindi pa nito tiyak kung tatanggapin pa ang pelikulang Spageti ng Regal Films kasama sina Joey de Leon at Sexbomb Girls.

Hindi muna ito gagawa ng soap opera matapos ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin dahil tatlong beses sa isang linggo ang taping nito. May dalawa pa itong regular shows-ang Bubble Gang at Idol Ko Si Kap. Gusto rin naman nitong tumanggap ng mga out-of-town shows.

Stable pa rin ang relasyon nila ni Rudy Hatfield pero malabo pang lumagay sa tahimik.
Handang Pumatol Sa Dom
May bagong alaga si Bing Tongco bukod kay Maye at ito’y si Rajah Montero. Noon pa man ay gusto na ni Rajah na mag-artista dahil hirap din ang dinaranas nila sa buhay. Walo silang magkakapatid at siya ang breadwinner dahil ang panganay nitong kapatid ay may pamilya na.

Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa construction at di regular ang kita kaya kailangan niyang kumayod para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin gayundin ang pagpapaaral sa nakababatang kapatid.

"Mabuti na lang Tita, marunong akong kumanta kaya tumatanggap ako ng out of town shows. Huminto na nga ako sa pag-aaral dahil di ko kaya ituloy ang nursing. Desidido akong maging matagumpay na sexy star at maging palaban sa hubaran. Kaya kong mag-frontal nudity kaya walang magiging problema sa akin ang aking manager," ani Rajah. Ikalawang pelikula ng seksing aktres ang Katas na prodyus ni Bing.
Mark, May Soap Opera Na
Hindi kami magtataka kung mapasama si Mark Dionisio sa soap opera na Basta’t Kasama Kita na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Robin Padilla dahil magaling itong umarte kahit na sa character role. Bukod sa pelikulang Katas ay tampok pa rin ito sa Mapupulang Labi under WildWorld Productions sa direksyon ni Joey Romero.
Lani, Nagustuhan Ng Syete
May kasunod agad ang natapos na soap opera ni Lani Mercado sa GMA 7. Kasama siya sa bagong teledrama ng GMA-ang Twin Hearts na tinatampukan nina Rudy Fernandez at Pops Fernandez.
Bagong Banda
Lima na ang bandang mina-manage ni Ernie dela Cruz na ang pinakabago ay ang 7th Sign. Ito’y binubuo ng pitong gwapong kalalakihan na pawang may talino sa pagtugtog at pagkanta. Ang mga miyembro ay sina Paulo Montances, Sam Palad at Jordan Solar (lead singers); Alfie Nido (lead guitar); Marc Castro (keyboards); Jamin Echin (bass guitar; at Zu Echin (drummer).

Ang unang bandang pinamahalaan ng daddy ni Angelika na Freshmen ay sikat na sikat na at recording artist na ngayon ng Star Records.

vuukle comment

ALFIE NIDO

BAGONG BANDA

BING TONGCO

BOBITA ROSE

BUBBLE GANG

CAPTAIN BARBEL

CENTER

DI GAGAWA NG SOAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with