^

PSN Showbiz

Si Daboy ang maaaring pumalit kay Bong sa VRB

-
Malayo pa ang election 2004 pero, tila inaabangan na ng marami sa mga taga-industriya ang mababakanteng posisyon ni Ramon "Bong" Revilla, Jr. bilang Chairman ng Videogram Regulatory Board (VRB). Nariyan ang lumutang ang pangalan nina Phillip Salvador, Edu Manzano at Rudy Fernandez.

Wala sa tatlong lumutang na nabanggit ang nag-iinteres pasukin o palitan ang babakantehing posisyon ni Bong Revilla dahil anila, nasa pangulo ng bansa ang desisyon kung kanino at sino sa kanila ang maaaring piliin at ilagay para sa posisyong iyon.

Maging si VRB Chairman Bong Revilla na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Setyembre 25 ay hindi makapagsasabi kung kanino maaaring mapunta ang kanyang babakantehing posisyon.

Pero kung kokonsultahin siya, wala siyang papanigan. Hahayaan na lang nito ang pangulo dahil parehong kaibigan niya ang tatlong lumutang na pangalan. Ayaw niyang maranasan din ng mga ito ang mga naging "threats" sa buhay niya habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin sa pagre-raid ng mga pirated VCDs and cassettes.

Hindi sa mine-menos ni Bong ang kakayahan ng tatlo pero ayaw niyang isa sa mga ito ang pumalit sa kanya.

Ayaw magbanggit ng pangalan ni Bong pero sa mga umuugong na balita, tila perfect choice nito si Rudy Fernandez. "No comment!" ang mabilis na isinagot ni Bong pagkarinig nito.

Anyway, may mga nag-suggest din na mas bagay ang posisyong ito sa movie producer ng Solar Films na si Wilson Tieng. Mas bagay dito ang ganitong uri ng trabaho lalo pa nga’t apektado rin siya ng mga film piracy sa industriya ng pelikula. Boni A. Casiano

AYAW

BONG REVILLA

BONI A

CHAIRMAN BONG REVILLA

EDU MANZANO

PHILLIP SALVADOR

RUDY FERNANDEZ

SOLAR FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with