Bakit kailangan kang magtaray, Ara?
September 13, 2003 | 12:00am
Nakakaawa naman si Ara Mina. Sa kagustuhan niyang mapaniwala ang publiko na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Jomari Yllana at Konsehal Aiko Melendez ay kung anu-ano na lang na katwiran ang pinakakawalan niya, hanggang sa ang pangangatwiran ay nagiging pagtataray na.
Kung bakit naman kasi kahit anong palusot na senaryo pa ang kanyang sabihin ay ayaw pa rin siyang paniwalaan ng marami. Sampung interbyu niya laban sa isa lang ni Aiko ang labanan, pero mas kapani-paniwala pa rin ang mga sinasabi ng aktres-pulitiko.
Ang talo ni Ara sa usaping ito ay wala sa pangkasalukuyan kundi nasa nakaraan. Nagsasama pa kasi sina Jomari at Aiko ay marami na ang nagpapatotoong magkarelasyon sila, kaya kahit anong palusot pa ang gawin niya ngayon ay walang gustong maniwala sa kanya.
Sa sobrang inis tuloy ni Ara ay tinatarayan na lang niya si Aiko. Kung anu-anong pabarubal na pagsagot sa mga tanong ang ginagawa niya, na lalong nagpapamukhang negatibo sa kanya.
Ayos lang na idepensa ni Ara ang kanyang sarili sa mga batikos na tinatanggap niya. Natural lang ding sagutin niya ang mga sinasabi ni Aiko laban sa kanya, pero ang hindi kasi maganda kay Ara ay ang paraan niya ng pagsagut-sagot sa mga tanong.
Hindi niya naman kailangang magpakaplastik o magpakyut dahil dati na siyang pakyut. Hindi rin naman siya inaasahan ng lalim dahil marami naman ang nakakaalam ng limitado niyang kapasidad. Kaya ang tanging makapagsasalba na lang sa kanya sa sitwasyon ay ang mababaw man ay mahinahon namang pagpapaliwanag.
Pero hindi ganun ang ginagawa ni Ara, siya na nga itong pinagbibintangang nanira ng relasyon nina Jomari at Aiko ay siya pa ang akala mo kung sinong magtaray. Sa salitang-kanto ay siya na nga ang kabit pero mas mataray pa siya sa legal?
"Yung mga sagot niyang, Hindi ko siya tinatawag ng ate no, dahil hindi ko naman siya kaanu-ano, ang mga ganung pahayag na wala sa lugar ay nagkakanulo lamang sa kakapiraso niyang utak, palibhasay wala nga siyang pagkukunan.
"Hindi niya ako pinahiram kahit minsan ng damit, kakasya ba naman sa akin ang mga damit niya, e, ang laki-laki ng katawan niya?
"Saka mayaman ako, branded na ang mga damit ko kahit noon pa, kaya bakit ako manghihiram ng damit sa kanya?" sabi pa ni Ara.
Sa amin niya mismo sinabi ang mga linyang yun nang tawagan niya kami. Kaya ang sabi namin sa kanya ay tumigil na siya sa kasasalita, dahil pareho lang naman silang maskulado ni Aiko.
Magsalita ba tungkol sa laki ng katawan, samantalang kung hindi lang naman nasusustinihan ng mga gamot na pampawala ng gana sa pagkain ang kanyang sarili, ay baka singlaki na rin siya ng aparador ngayon?
Kung yun ngang umiinom na siya ng diet pills ay ang laki-laki pa rin niya, sobra sa laki ang kanyang mga pata, kaya personalin ba ang katabaan ni Aiko?
Kung mananahimik na lang si Ara ay baka makuha pa niya ang simpatya ng publiko. Hindi yung ganyan na siya na nga lang ang naki-eksena ay siya pa ang madaldal. Hindi pa naman siya katalinuhan para idepensa at panindigan ang kanyang mga pinagsasasabi.
Napakarami niyang sinasabing kinakain din naman niya pagkatapos. Ang kanyang mga salita ay panandalian lang, dahil bukas-makalawa lang ay iba na ang kanyang mga sinasabi kaysa sa kanyang mga ginagawa.
Totoo, pinawalang-bisa na ng korte ang kasal nina Aiko at Jomari, kaya hindi na siya matatawag na other woman ngayon, pero teka.
Si Ara mismo ang makasasagot sa tanong kung ang kanilang relasyon ba ni Jomari ay nitong magkahiwalay na lang ang dalawa nagsimula at nabuo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended