Gary, sinira ang pangakong di magbu-bold
September 12, 2003 | 12:00am
Sa pelikulang www.XXX.com ay muling nagpa-sexy si Gary Estrada, taliwas ito sa naging pahayag niya nun na ayaw na niyang magpa-sexy dahil gusto nitong pumasok sa pulitika. Ang rason ng aktor ay hindi naman siya talop na talop sa kanyang mga eksenang seksi dahil kung papaano siya napapanood noon na naka-pantalon habang nakikipagromansahan sa kapareha ay ganoon din ang pinaggagawa nito sa pelikulang katatapos lang gawin.
"Hindi naman talaga bold na bold ang ginawa namin, paseksi lang ako dito. I consider the movie an art film din lalo na si Tikoy Aguiluz ang gumawa nito. Ito ang dahilan kung bakit napapayag ako at sabi, pang-international ang movie," paliwanag ng aktor.
Maliban sa tatlong araw nitong inilalaan sa taping ng kanyang soap opera sa Dos ay abala rin siya sa pag-iinsayo para sa kanilang baseball team. "Im a member of our national team and definitely, Im an official member na magri-represent ng ating bansa sa international game na gaganapin sa Japan sa Nobyembre."
Siniguro ng aktor na tatakbo uli siya sa pagka-mayor sa darating na halalan sa susunod na taon. Natuto na ang aktor sa takbo ng pamumulitika kaya kung ano man ang ipinaglaban niya noon sa kanyang kandidatura ay ito pa rin ang kanyang isusulong. "Now Ive learned. Noon kasi ay naniniwala ako sa malinis na eleksyon but now, I have matured at alam ko na kung papaano nila ginagawa ang laro. Kaya ang gagawin ko ay ika-counter ko ang mga ginagawa nila. Makikipaglaban na ako this time na ginagawa nilang dirty politics. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended