^

PSN Showbiz

Smokey, insecure kay Long?

-
Pinabulaanan ni Smokey Manaloto ang balitang isa siya umano sa mga nagkaroon ng insekyuridad sa pagpasok ni Long Mejia via MTB (Masayang Tanghali Bayan) na naging daan din nito na mapasok sa bagong reformat na sitcom, ang Home Along Da Airport.

Nagpahayag ito na wala siyang karapatang kumontra sa kagustuhan ng kanyang Tatay Dolphy kung sino ang gustong idagdag sa cast ng naturang lingguhang sitcom. "Kailangan ni tatay ang kabatuhan sa kanyang mga eksena kaya siya ang nakakaalam kung sino ang nararapat na ilagay sa sitcom. Si Long ang napili niya dahil ito ang mainit na komedyante ngayon sa TV."

Matagal na sa naturang sitcom si Smokey at naniniwala rin siya na di pa dumarating ang kanyang tamang panahon. Hanggang hindi pa dumarating sa kanya ang tamang panahon ay namamangka siya sa dalawang sitcom, Home Along Da Airport at Bida si Mister, Bida si Misis kung saan kasama nito sina Maricel Soriano at Cesar Montano. "Kuntento na ako sa ganitong sitwasyon at saka hindi naman ako nawawalan ng mga raket. Kararating ko lang mula sa Amerika at anytime from now, mag-aabroad uli ako para sa isang series of shows."

May plano rin itong magtayo ng negosyo bago siya lumagay sa tahimik. Tatapusin muna nito ang kanyang ginagawang bahay at kung kumpleto na ito, pag-iisipan na nito ang kanyang pinaplanong negosyo at pag-aasawa. ALEX DATU

vuukle comment

AMERIKA

BIDA

CESAR MONTANO

HOME ALONG DA AIRPORT

LONG MEJIA

MARICEL SORIANO

MASAYANG TANGHALI BAYAN

SI LONG

SMOKEY MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with