^

PSN Showbiz

Kris, magpapa-retoke rin ng ilong

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kwento ito ng dalawang magagaling na hosts sa isang higanteng istasyon. Mga hosts na noon pa man ay meron nang iringan, kaya nga lang ay hindi sila nagpapatutsadahan nang harapan.

Puwedeng professional jealousy ang dahilan ng hindi nila pagkakasundo, dahil palagi kasi silang dalawa ang pinagtatapat, dahil isang linya lang ang kanilang kinabibilangan.

Maganda ang kwentong ito tungkol sa kung gaano talaga katindi ang pagpapataasan nila ng ihi. Sa kung paanong gustong malampasan nila ang isa’t isa, at kung paanong ayaw nila talaga ang bawat isa.

Minsang may alaherang nagpunta sa opisina ni TV host ay hindi niya kinuha ang isang singsing na gustung-gusto niya, saka na lang daw, dahil marami pa muna siyang babayarang pagkakautang.

Pero gustung-gusto niya ang singsing na may malaking bato, walang karbon ang dyamante, bagay na bagay sa isang tulad niyang tinitingala ng lipunan.

Kakaisip ng gimik ang alahera para ito makabenta, nagpunta naman ito sa opisina ni TV host B. Ipinakita ang singsing at sa unang tingin pa lang ay nagustuhan na nito ang alahas.

Pero nagdadalawang-isip pa si TV host B na kunin yun. Marami rin itong pananagutang kailangang unahin pero umandar ang utak ng alahera.

"Alam mo ba, dinala ko ’yan kay kuwan, gustung-gusto na sana niyang kunin ’yan dahil maganda talaga. Clear na clear, pero hindi pa raw niya kaya dahil marami pa siyang bayarin!

"Talagang gusto niya, halos ayaw na nga niyang hubarin nu’ng isukat niya ’yan, e! Ikaw, gusto mo bang kunin ito?" tanong ng alahera.

Umiral ang kagustuhang malampasan ni TV host B ang kanyang kalaban, kaya binili nito ang singsing at isinuot na agad.

Nang umere ito ay napanood ni TV host A, napansin niya agad ang suot nitong singsing kaya tinawagan niya ang alahera.

Umamin naman ang alahera na nagustuhan ni TV host B ang singsing, pero edited na syempre ang parteng pinagsalpok nito ang dalawang hosts, makabenta lang ito.

Ganu’n katindi ang labanan ng dalawang hosts, patalbugan talaga sila. Matatagalan pa siguro bago sila magkasundo dahil kahit sa kanilang linya ay silang dalawa ang pilit na pinagbabangga.

Parehong may programa sa gabi ang dalawang hosts, may mga programa rin sila sa radyo at mahuhusay silang tagapagbalita.
* * *
Hindi kami sigurado kung gaano katotoo ang impormasyong nakarating sa amin na madalas daw pag-awayan nina Mayor Joey Marquez at Kris Aquino ang pagpapasalamat po, doktor ng TV host.

Lagi namang totoo sa kanyang sarili si Kris, siya mismo ang nagsasabing oo, nagpa-liposuction nga siya at nagpadagdag pa ng dibdib, wala namang idine-deny si Tetay.

Kwento ng isang source sa amin, hanggang maaari raw sana ay ayaw na ayaw ng aktor-pulitiko na sumailalim sa siyensiya si Kris, mas natural ay mas gusto nito, kaya palagi silang nagtatalo.

Pero matigas daw ang ulo ni Kris, kahit anong pigil ang gawin ni Mayor Joey ay hindi siya nakikinig, sige pa rin siya sa kapapagalaw sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Tapos nang magpa-liposuction si Kris dalawang buwan na ngayon ang nakakaraan, tapos ay isinunod naman niya ang pagpapadagdag ng kanyang dibdib, pero nu’ng nakaraang linggo ay nagpa-lipo na naman pala siya.

May natira pa raw kasing mga taba sa kanyang tiyan, kaya ipinaalis uli ’yun ng magaling na TV host, pero ito ang nakagugulat.

"Ang susunod niya namang ipagagawa e ang ilong niya, patataasan niya ng konti ’yun saka ipati-trim ang gilid dahil malapad nga," sabi ng aming impormante.

Pag-awayan na naman kaya ’yun nina Kris at Mayor Joey?

DAHIL

HOST

KAYA

KRIS AQUINO

KWENTO

MAYOR JOEY

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with