^

PSN Showbiz

The Greatest Hits, nagsimula ng isang trend sa concert scene

RATED A - Aster Amoyo -
Nakakatuwa ang barkadahang Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison na siyang mga pangunahing performers sa matagumpay na The Greatet Hits.... Just Once concert na ginanap sa Araneta Coliseum nung nakaraang Agosto 2, produced ng Viva Concerts. Dahil sa malaking tagumpay ng naunang konsyerto sa Big Dome, nagdesisyon ang Viva Concerts na magkaroon ng repeat sa Araneta Coliseum sa darating na September 26 sa ganap na ika-8 ng gabi, The Greatest Hits.... Just Once More na pamamahalaan ni Fritz Ynfante. Muling makakasama ng limang OPM hitmakers ng 70’s at 80’s ang Viva Hot Babes, Rachel Alejandro, Tosca Puno at Sarah Geronimo.

Sa lima, halos magkakasunod na sumikat ng dekada 70 sina Rico J., Hajji at Rey habang sina Nonoy at Marco ay dekada 80 na pumasok. Magkakaiba rin ang lakas ng kasikatan ng lima. Si Rico J. ay sumikat ng husto sa pamamagitan ng kanyang sariling version ng Barbra Streisand hit song, "The Way We Were" na kanyang nilapatan ng Tagalog lyrics. Sa panahon din ni Rico sumikat ng husto ang OPM (Original Pilipino Music) na kinabibilangan din noon ng APO Hiking Society, Basil Valdez, Hajji Alejandro, Kuh Ledesma, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Lea Navarro at napakarami pang iba.

Maging sina Hajji, Rey, Nonoy at Marco ay sang-ayon na si Rico J. umano ang Hari ng OPM dahil naging trendsetter ito nung kapanahunan niya.

Sa rami ng mga respective classic hits ng lima na pinagsama-sama sa iisang concert, wala ngang maitulak-kabigin ang audience kaya sulit ang kanilang ibabayad.

Palibhasa’y magkakaiba ang style ng bawat isa sa kanila sa pag-awit at pagtatanghal, aminado rin ang apat na si Rico J. talaga ang pinakabuhay sa kanilang grupo dahil sa natural na adlibs nito.

Ang limang nabanggit na mang-aawit ay bahagi na rin ng kasaysayan ng OPM at maituturing na singing icons. Ang kanilang mga pinasikat na awitin ay nire-revive na rin ng mga bagong sibol na mga mang-aawit.

Bibigyan din ng lima sa nasabing concert ng panibagong buhay ang mga classic hit songs ng mga mang-aawit na nagbigay sa kanila ng impluwensiya tulad nina Stevie Wonder, Marvin Gaye, Jack Jones, Frank Sinatra, Bread, Barry Manilow, James Brown at iba pa.
* * *
Kung tutuusin, malaking sugal ang ginawa ng Viva Concert na pagsama-samahin sa iisang konsyerto ang mga OPM greats dahil iba na ang usong musika ngayon. Pero hindi nagkamali ang producer na si G. Vic del Rosario, Jr. dahil talagang dinumog at dinagsa ng mga tao ang Araneta Coliseum sa kanilang The Greatest Hits... Just Once nung nakaraang Agosto 2. Dahil dito, nagdesisyon silang pagbigyan ang hiling ng mga hindi nakapanood noon.
* * *
Inamin sa amin ni Hajji Alejandro na 30 yrs. na siya sa entertainment scene sa taong ito. Taong 1973 nang siya’y mapabilang sa Circus Band na pinagmulan din ng ibang mga kilalang mang-aawit. Pagkaraan ng tatlong taon, kumalas si Hajji sa grupo para mag-solo. Kinontrata siya ng Jem Records na siyang nagbigay sa kanya ng apat na top-selling albums at maraming hits songs tulad ng "Nakapagtataka," "Ang Lahat Nito’y Para Sa ’Yo," "May Minamahal," "Kay Ganda ng Ating Musika," "Ikaw at ang Gabi" at marami pang iba. Pagkatapos ng Jem Records, nakagawa rin siya ng isang album sa Blackgold Records na naging tahanan noon nina Basil Valdez, Kuh Ledesma, Lea Navarro, Bert Nievera at marami pang iba.

Taong 1987 nang mag-desisyon si Hajji na makipagsapalaran sa Amerika kung saan siya namalagi ng limang taon. Taong 1992 nang magdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas at muling bigyan ng panibagong pagkakataon ang kanyang singing carrer. Tyempo naman at kinontrata siya ng BMG (Pilipinas) Records kung saan siya nagsaplaka ng apat na magkakahiwalay na album na ang una ay pinamagatang "Ang Pagbabalik".

Dalawa ang naging anak ni Hajji sa una niyang misis – sina Rachel at Bernadette. Si Rio Diaz ang kanyang naging second wife at nagkaroon sila ng isang supling – si Alihaj na 20-taong gulang na ngayon. Pero kahit hiwalay na sila ni Rio, nanatili silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak.

Aminado si Hajji na sa tatlo niyang anak, si Rachel lamang ang sumunod sa kanyang mga yapak bilang isang singer-performer although may talent din sa singing ang dalawa pa niyang anak. Palibhasa’y mahiyain, ayaw mag-showbiz ni Bernadette na isa na ngayong nursery school teacher. Si Ali naman ay nag-aaral sa UP College of Music majoring in Classical guitar. Si Rachel ay naka-base na ngayon sa L.A. pero lilipat umano ito ng New York. Pauwi-uwi lamang ito ng Pilipinas kapag meron siyang shows dito. Uuwi rin ito sa repeat concert ng The Greatest Hits.... sa Big Dome dahil isa siya sa mga special guests.

ARANETA COLISEUM

BASIL VALDEZ

BIG DOME

DAHIL

GREATEST HITS

HAJJI

HAJJI ALEJANDRO

RICO J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with