^

PSN Showbiz

Albert hindi hihikayatin ang mga anak na mag-artista pero ...

- Veronica R. Samio -
Mga grown ups na ang tatlong anak ni Albert Martinez. Ang panganay niyang si Alyanna ay malapit nang mag-debut. Kumukuha ito ng advertising sa Ateneo. Third year high school naman si Alfonso sa La Salle at nasa grade five naman sa Montessori ang bunsong si Alexandra. Sa tatlo, si Alfonso lamang ang nagsisimula nang magpakita ng interes na sundan ang yapak ng kanyang ama.

"Sana magtapos muna sila ng pag-aaral bago sila mag-artista," ang bungad ni Albert sa isang recent interview. "Pero, kung talagang seryoso siya na mag-artista ay susuportahan ko naman siya pero, hindi ko siya hihikayatin o ang sino man sa mga anak ko."

Sa 20 taon ni Albert bilang artista, maswerte siya na napakarami ng mga magagandang pelikula na ginawa niya. Lima lamang ang hiningi ko sa kanya (Segurista-Tikoy Aguiluz; Pangako ng Kahapon-Joel Lamangan; Bata Bata Paano Ka Ginawa? Chito Roño; Ito Ba Ang Ating Mga Anak-Ishmael Bernal at Rizal ni Tikoy Aguiluz rin) pero, humirit pa rin siya ng dalawa pa, Pusong Mamon-Eric Quizon at Sidhi-Joel Lamangan.

"Nanalo ako ng acting award sa mga pelikulang ito maliban na lamang sa Ito Ba Ang Ating Mga Anak na nabigyan lamang ako ng citation, kami ng halos lahat ng co-stars ko sa movie at sa Pangako nag-grand slam ako sa best supporting actor nomination," imporma ni Albert.

Sa kasalukuyan, ginagawa ni Albert ang Captain Barbel para sa Viva/Premiere. Ginagampanan niya ang role ni Lagablab, ang arch enemy ni Captain Barbel. Umaapoy ang kanyang bibig, mga kamay at paa kapag nagagalit siya. Bagaman at hindi isang acting piece ang kanyang role, enjoy siya sa kanyang trabaho sapagkat geared ito to the general public.

"I’ve done so many drama and sex drama movies that even my kids couldn’t watch in theaters. This is a welcome change. For the first time, pwede nang manood ang mga bata kasama ang kanilang mga kaibigan. First time ko rin na gumanap ng isang comic villain. Alam ko na marami silang kinonsider for the role pero, sa akin ito napunta."

Katulad ni Captain Barbel, naka-costume din si Albert bilang Lagablab, may prosthetics din siya. "Talagang feeling ko, magi-enjoy ako sa pelikula," ani pa ni Albert.

Memorable kay Albert ang mga pelikulang Sidhi at Kapitulo dahilan sa all-out contravida ang mga roles niya rito. Ang pagiging contravida ay mga roles na inaari niyang hamon at hindi makasisira sa kanyang image bilang isang lead actor. "Mas tame ang film compared sa real life, sa pelikula may redeeming values," katwiran niya.

Kasama ni Albert sa Captain Barbel ang isang formidable cast –Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Rufa Mae Quinto, Jeffrey Quizon at marami pang iba, sa direksyon ni Mac Alejandre.
* * *
Nakita ko sa Max Quezon Ave. recently ang mag-inang Rita at Lovely Mansueto. Kausap nila si Alex Marcelino na inaalok sila ng isang pelikula na tatampukan ni Mikey Arroyo. Role ng isang TV host ang gagampanan ni Lovely. Syempre, palalampasin ba ito ni Lovely gayong talaga namang ayaw niyang mag-bold na siya sanang image na gustong ibigay sa kanya ng kanyang manager na si Jojo Galang?

Wala namang pagdaramdam mula kay Jojo nang kausapin nila ito at sabihin na napagpasyahan nila na huwag nang mag-bold si Lovely at sa halip ay tumanggap na lamang ito ng mga wholesome roles. O kaya ay mag-concentrate na lamang siya sa kanyang singing. Pumayag naman ang mabait na producer ng
World Arts Cinema sa kanilang kahilingan.

ALBERT

ALBERT MARTINEZ

ALEX MARCELINO

BATA BATA PAANO KA GINAWA

CAPTAIN BARBEL

CHITO RO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with