Ai-ai, hinahagisan ng pera
September 8, 2003 | 12:00am
Natawa na lamang si Aiai delas Alas nang sabihin namin na posibleng gawin siyang role model ng ibang mga artista o mang-aawit na magsu-show sa ibang bansa kung papaano kumita ng karagdagang "talent fee" sa tuwing nagso-show. Sa huling show ng Hunks sa USA ay kasama nila ang komedyante at doon, richer by $700 ito dahil maliban sa mga roses na inihagis sa kanya ay may kasama pa itong dolyares. "Actually, hindi naman ako humingi sa kanila. Siguro ay natuwa lang sila sa akin kaya hinagisan nila ako ng mga roses na may kasamang pera. Kaya nagbiro ako, sana pera na lang ang ihagis nyo at ginawa naman nila, yun!"
Ayon kay Aiai, hindi kasama iyon sa kanyang reportoire kaya naging on the spot adlib yon. Kung siya ang masusunod ay ayaw na niyang gawin iyon pero kung kailangang maulit iyong paghagis ng roses lalo ng pera ay wala siyang magagawa kundi sakyan ang hilig ng kanyang manonood.
Nahihiyang mag-react ang komedyante nang banggitin namin sa kanya ang posibilidad na gagayahin ng kapwa niya artista at mga mang-aawit para mgkaroon ng karagdagang kita sa show. Muntik nang maumid ang dila nito sa pagsabing, "bahala na sila. Kung sa tingin nila na maganda iyong ginawa ko at hindi nakakainsulto sa kanila eh, di gawin nila."
Inamin din ng komedyante na kahit papaano ay nakaramdam siya ng konting pagkahiya sa kanyang ginawa pero inisip nito na parte lang yon ng kanyang comedy act. "Naku, talagang malaking insulto yon kung dito nangyari sa akin. Insulto na nga iyong hahagisan ka ng pera eh, lalo na kung puro barya!" pa-kengkoy na sabi nito. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended