The Buzz, kapos sa oras
September 8, 2003 | 12:00am

Paglabas ng studio, tahimik ang lahat na naglakad palabas. Nasa pinto ng dressing room si Kris. Tinawag nito si Nancy, staff ng The Buzz. Tinanong kung ano ang nangyari? Narinig kong sinabi niya na kinulang lang talaga sa oras. Malungkot ang naging mukha ni Kris.
Pinaghahandaan pa naman nito ang kanyang mga trabaho pero dahil sa kakulangan lamang ng oras, naaapektuhan ang buo niyang personalidad. Siguro kahit kaninong TV hosts, iinit ang ulo sa mga ganitong sitwasyon. Mabuti na lang at maunawain si Kris, hindi uminit ang kanyang ulo! – BONI CASIANO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended