^

PSN Showbiz

Ruffa, nagpapa-breastfeed

RATED A - Aster Amoyo -
Matapos ang grand Christian wedding nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas sa NBC Tent sa The Fort nung nakaraang Marso 25, isa namang Muslim wedding ang naganap nung gabi ng September 4 sa bahay ng mag-asawang Yilmaz at Ruffa sa Acarkent sa Istanbul. Binigyan si Ruffa ng kanyang Muslim name na Yasmeen ng Muftu (ito umano ang pinakamataas na authority sa Islam na counterpart ng Santo Papa sa mga Katoliko). Ang malaking wedding reception ay sa next summer pa magaganap.

Ang maganda nito, naroon sa Istanbul ang pamilya ni Yilmaz (na hindi nakadalo sa kanilang Manila wedding) at naroon din ang mga magulang ni Ruffa na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang publicist na si Jun Lalin na siyang naka-witness sa Muslim wedding ceremony nina at Ruffa at Yilmaz.

Sa isang text message na ipinadala sa amin ni Ruffa, sinabi nito na malakas umano ang ulan ngayon sa Istanbul. Ang baby nila ni Yilmaz ay kasama nilang matulog sa kanilang kwarto. Bini-breastfeed ni Ruffa si Lorin at si Yilmaz naman ang nagbu-burp sa bata. Pagdating ng alas-7 ng umaga ay ibinibigay na ni Ruffa ang kanyang baby sa Mommy (Annabelle) niya para paliguan. Kinakausap umano ni Eddie ang kanyang apo ng Spanish habang ang mommy naman ni Yilmaz na si Nurhan ay kinakausap ang baby ng Turkish.

Kahit umuwi na ng Pilipinas sina Eddie at Annabeblle, hindi naman gaanong mahihirapan si Ruffa sa pag-aalaga kay Lorin dahil meron itong yaya na isang Filipina. Hands on umano ang mag-asawang Yilmaz at Ruffa sa pag-aalaga sa kanilang unang baby. Although magda-dalawang linggo pa lamang ang mag-inang Ruffa at Lorin Gabriella sa Istanbul, adjusted na ang mga ito lalo pa’t very supportive naman si Yilmaz at pamilya nito sa mag-ina.

Sa totoo lang, parang prinsesa raw ang trato kay Ruffa ng kanyang mister at maging ang pamilya nito.

Ang $1M dollar na bigay ng mommy ni Yilmaz sa kanyang apong si Lorin ay kailangan pang ilagak sa trust fund ng bata at mapapakinabangan lamang ang nasabing halaga pagdating ni Lorin sa edad na 18.

Dahil gusto ni Yilmaz na mabigyan ng pribadong buhay ang kanilang first baby ni Ruffa, ayaw niya itong pakunan ng litrato kahit nung bagong silang ito sa Cedars-Sinai Medical Center sa L.A.

Ang nakakapanghinayang ay ang three-bedroom condo unit na inupahan ng mag-asawang Ruffa at Yilmaz sa Marina del Rey ng $10,000 a month tapos sandaling-sandali lamang nila itong natirahan. Ginastusan pa ni Ruffa ang nursery room ni Lorin at nag-hire pa ito ng baby decorator sa Hollywood na si Sherwin ‘James’ Ulit pero hindi man lamang umabot ng isang buwan na natulugan ang kwarto ng bata dahil agad nagdesisyon si Yilmaz na sa Istanbul na sila mamirmihan. Ang kontrata nina Ruffa at Yilmaz sa nasabing condo ay hanggang December pa.
* * *
Sa Showbiz Talk column ni Jackie Regala na naka-base na ngayon sa Los Angeles, California, sinabi nito na talagang impress nang husto ang pamunuan ng Golden Nugget sa naging performance ng concert king na si Martin Nievera kaya muli itong kinontrata (this time for four months) para muling magtanghal sa 400-seater Golden Nugget Showroom ng Golden Nugget Hotel ng Las Vegas, Nevada.

"We are opening our doors to more artists of a multi-cultural diversity. Martin is an amazing performer. We have seen him several times in different cities and venues. When he filled the Golden Nugget showroom last January, (followed by another series of performances on May 15 to June 8) we believe Martin is the perfect artist to showcase so we are now targeting new customers – from our existing Filipino clientele to non-Filipinos."

Nakatakdang muling magtanghal si Martin sa Golden Nugget simula sa December 31 (New Year’s eve) na tatagal hanggang Abril kaya matagal-tagal na mawawala sa Pilipinas ang dating mister ni Pops Fernandez.

Pero habang wala si Martin sa Pilipinas ay may bagong album siyang iiwanan ang "Martin Nievera: Chasing Time VoI. 2" na kamakailan lamang ni-launch sa penthouse (41st flr.) ng Discovery Suite.
* * *
Sa ika-apat na sunud-sunod na linggo ay patuloy ang pag-arangkada sa ratings ng weekly sitcom na Daboy en Da Girl na pinangungunahan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno kaya naman nagbigay ng blow-out party sa cast at production staff ng nasabing programa ang action star.

Ngayong Lunes (September 8) ng gabi, magiging espesyal na panauhin ng programa sina Melanie Marquez at Alicia Meyer.

o0o

Hindi masama ang loob ni Jeffrey Quizon sa kanyang hilaw na sister-in-law na si Eula Valdez dahil sa pakikipaghiwalay nito sa kanyang nakakatandang kapatid na si Ronnie Quizon kung kanino ito may isang anak na walong taong-gulang, si Miguel.

Ayon kay Jeffrey, nirerespeto niya ang naging desisyon ni Eula. Ang gusto lamang niyang mangyari ay sana’y maging magkaibigan muli sina Eula at Ronnie alang-alang man lamang sa kanilang anak para hindi ito mag-suffer kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang.

Sa presscon Asboobs, inamin ni Jeffrey na pareho silang binatang-ama ni Ronnie dahil may isa rin siyang anak na lalaki na walong taon gulang din na nakatira ngayon sa ina ng bata. Nakilala lamang ni Jeffrey ang kanyang anak nung anim na taong gulang na ito dahil ito’y itinago sa kanya ng ina ng bata. Pero ngayon ay maganda na umano ang relasyon niya sa dati niyang karelasyon at hindi nito ipinagkakait sa kanya ang anak nila. Ang problema nga lamang, hindi Quizon ang apelyidong dala-dala ng bata kundi isinunod ito sa family name ng ina dahil hindi naman sila kasal.
* * *
Email: <[email protected]>

vuukle comment

GOLDEN NUGGET

JEFFREY

KANYANG

LAMANG

LORIN

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with