FPJ, ikakampanya ni Tita Midz
September 4, 2003 | 12:00am
Tahasang naghayag naman ng kanyang suporta si Armida Siguion-Reyna na kanya umanong ikakampanya kung sakaling makumbinsi nilang tumakbong kandidato sa pagka-Pangulo ng bansa si Fernando Poe Jr.
Sa ginawang paglulunsad ng FPJ-Volunteers Brigade (Food, Peace & Justice) sa Club Filipino kung saan ito ang grupong tinutukoy ni FPJ na kanyang kakausapin na nangungumbinsi sa kanya na pasukin ang pulitika, inamin ng mga tagasuporta nito na hihikayatin nila si FPJ na maging kandidato at kung hindi nila makukumbinsi si FPJ ay wala sila umanong gagawin kundi magkawatak-watak na lamang.
Pero nanghihinayang si Tita Midz dahil aniya ito na ang tamang panahon para pasukin ni FPJ ang pulitika.
Kabilang sa mga pamunuan ng FPJ-Volunteers Brigade sina Romeo Rivera, Ruperto C. Gaite, Aristeo Lecaroz, Vergel Tordera, Domingo Pabalate, Felicisimo Cardenas, Mario Trinidad, Artemio Roxas, Jose Luis Alcuaz, Jeslie Bocobo at Domeng Cepeda, Jr. Dumalo rin bilang observer si dating Senador Juan Ponce-Enrile. Sa ginanap na paglulunsad, walang FPJ ang dumating o tumawag para tanggapin ang isinagawang paglulunsad ng pag-aapila. (Ulat ni BONI A. CASIANO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended