Sinu-sino ba ang virgin sa 'First Time'
September 4, 2003 | 12:00am
Sa maniwala kayot sa hindi may mga virgin sa mga Hot Babes na gumanap ng mga major roles sa First Time ng Viva Films megged by Lyle Sacris. Pero, kung sino man kina Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca at Hazel Cabrera ang hindi pa naipagkakaloob ang kanilang sarili sa kahit na kanino mang lalaki ay ayaw sabihin ni Direk Lyle. Pero, sinabi niyang nahirapan siyang idirek ang mga virgin niyang artista dahil wala silang ideya what it was like to have sex for the first time. Kinailangan niyang i-stretch ang kanyang imahinasyon at directing skills para makakuha ng gusto niyang mangyari sa movie.
Bago sila magsimula ng shooting, umupo siyang kasama nilang lahat. Ipinaliwanag niya kung ano ang gusto niyang mangyari. Partikular na sinabi niya kung paano niya gustong kunan ang isang sexy scene, kung anong facial expression ang kinakailangan nila. Isang crucial scene ay yung eksena ng one night stand nina Raymond Bagatsing at Myles Hernandez. "Dapat hindi yun mag-mukhang romantiko. Talagang sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto kong lumabas sa eksena at yun ay makikita nyo sa pelikula.
"May pagka-raw at documentary ang approach na siyang dapat dahilan na isa itong sexy film," ani Lyle.
Ang First Time ay prodyus ni Quark Henares para sa Viva.
Sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon, may mangilan-ngilan pa rin ang nagkakalakas ng loob na magprodyus ng pelikula. Isa na rito si Apa Antonio na ang movie outfit na Vintage Productions, Inc. ang gumagawa ng pelikulang Kalabit na ang mga bida ay mga major stars na tulad nina Ara Mina, Raymond Bagatsing, Carlos Morales, Alma Soriano at marami pang iba. Mayroon tatlong mga sexy stars na ipakikilala sa pelikula na makikilala bilang V-Girls, sina Katerine Short, Jenell Kwean at Lyn Jordan. Direksyon ni Neal Buboy Tan.
Sinasabing ang Kalabit ang pinakahuling bold movie ni Ara Mina.
Pagkatapos nito, hindi na mamamalas ang kabuuan niya sa screen. May dalawang pelikulang kasunod si Ara sa Vintage at ito ay pawang mga drama movies. Ang kasunod niyang pelikula ay pinamagatang Ikaw Ang Dahilan o Kailan Ka Magiging Akin na si Ara rin ang sumulat ng istorya at ginawan ng script ni Buboy Tan.
Napaka-engrande naman ng birthday celebration ng aking kaibigang si Nellie Nolledo.
Dati-rati kundi kami lumalabas para kumain ay dun kami sa bahay niya kami kumakain kapag birthday niya. Pero ngayon, aba, sa isang malaking restaurant siya naghanda at marami siyang guests, mga kapwa niya may recruitment agency, mga talents at pamilya niya. Naka-table ko pa si Henry Omaga Diaz na nakilala pala ni Nellie sa Palawan.
May tatlong anak si Nellie, sina Hannah, Yves o Ralph at si Jonjon. Si Ralph, malapit nang i-launch bilang artista. Gwapo ito at bibo. Si Hannah, magaling nang kumanta, kailangan lamang bawasan ang pagiging mahiyain nito. Wala pang balak mag-showbiz ang bunso pero, kung sakali pwede rin ito.
Maganda na ang takbo ng negosyo ni Nellie, pero magiging kumpleto ang happiness niya kapag nakatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak at magkaroon ng pangalan sa showbusiness.
Bago sila magsimula ng shooting, umupo siyang kasama nilang lahat. Ipinaliwanag niya kung ano ang gusto niyang mangyari. Partikular na sinabi niya kung paano niya gustong kunan ang isang sexy scene, kung anong facial expression ang kinakailangan nila. Isang crucial scene ay yung eksena ng one night stand nina Raymond Bagatsing at Myles Hernandez. "Dapat hindi yun mag-mukhang romantiko. Talagang sinabi ko sa kanila kung ano ang gusto kong lumabas sa eksena at yun ay makikita nyo sa pelikula.
"May pagka-raw at documentary ang approach na siyang dapat dahilan na isa itong sexy film," ani Lyle.
Ang First Time ay prodyus ni Quark Henares para sa Viva.
Sinasabing ang Kalabit ang pinakahuling bold movie ni Ara Mina.
Pagkatapos nito, hindi na mamamalas ang kabuuan niya sa screen. May dalawang pelikulang kasunod si Ara sa Vintage at ito ay pawang mga drama movies. Ang kasunod niyang pelikula ay pinamagatang Ikaw Ang Dahilan o Kailan Ka Magiging Akin na si Ara rin ang sumulat ng istorya at ginawan ng script ni Buboy Tan.
May tatlong anak si Nellie, sina Hannah, Yves o Ralph at si Jonjon. Si Ralph, malapit nang i-launch bilang artista. Gwapo ito at bibo. Si Hannah, magaling nang kumanta, kailangan lamang bawasan ang pagiging mahiyain nito. Wala pang balak mag-showbiz ang bunso pero, kung sakali pwede rin ito.
Maganda na ang takbo ng negosyo ni Nellie, pero magiging kumpleto ang happiness niya kapag nakatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak at magkaroon ng pangalan sa showbusiness.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended