Aiai, takot sa 'Pinay Pie'
September 1, 2003 | 12:00am
Syempre medyo kinakabahan ngayon ang box-office queen na si Aiai delas Alas sa magiging resulta ng Pinay Pie kung saan tatlo silang nagbibida nina Joyce Jimenez at Assunta de Rossi.
Dalawang tulog na lang at palabas na ang pelikula at natural lang na nakaabang na rin ang lahat ngayon kung makakaya bang idepensa ni Aiai ang kanyang korona bilang box office queen. Mahigit na 200 milyong piso kasi ang kinita ng Ang Tanging Ina na nagluklok sa kanya sa trono, kaya ang inaabangan ngayon ay ang magiging resulta ng Pinay Pie.
Mahirap ang sitwasyon ngayon ng magaling na actress/TV host-komedyante, dahil kapag medyo sumaliwa sa tugtog ang resulta ng Pinay Pie ay tiyak na makaririnig-makababasa siya ng mga komentong hindi niya gusto. At kapag nagpakitang-gilas naman sa takilya ang Pinay Pie ay siya rin ang aangat nang husto sa pangyayari.
Pero walang dapat ipangamba si Aiai. Sa trailer pa lang ng pelikula ay nandun na ang kanyang karismang niyakap ng publiko. Sa ipinakikita pa lang na eksena nila ni Carlos Agassi ay humahalakhak na ang manonood.
Isang kaibigan namin sa kolehiyo ang tumawag sa amin, nanood daw siya sa Megamall kamakailan at ipinalabas nga ang trailer ng pelikula, grabe ang hagalpakan ng manonood sa mga kalokohan ni Aiai.
"Iba kasi siyang magpatawa, e, natural na natural at wala siyang pakialam kung anuman ang maging itsura niya sa screen.
"Grabe ang sense of humor ni Aiai, tumatagos sa buto yun! Pero ang nakatutuwa sa kanya, e, ang galing-galing din niya sa drama!
"We never miss her show, yung Ang Tanging Ina, napanood kasi namin ang movie na yun at talagang pinaiyak-pinatawa kami ni Aiai dun! Siya na talaga ang number one ngayon among our commediennes. Wala nang makatatalo sa kanya," pakikipaglaban pa ng aming kaklase.
Ang maganda pa kay Aiai, ganyan siya na ang nasa itaas ay walang-walang pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay. Kung ano siya nung nangangarap pa lang ay ganito pa rin siya hanggang ngayon, wala siyang kayabang-yabang.
"Juice ko, ano ba naman ang ipagyayabang ko, e, temporary naman lahat ito? Sinuwerte lang ako, saka mabait lang sa akin si God. Kaya medyo gumanda ang takbo ng career ko!" palagi niyang katwiran na kahanga-hanga.
Ngayong Setyembre ay magkakaroon siya ng series of shows sa Amerika. Nung nakaraang buwan pa ay nakiusap na siya sa eskuwelahan ng kanyang mga anak na kung maaari ay maisama niya ang mga ito, para makabawi-bawi naman siya sa kanyang mga kakapusan sa mga bata.
"Yung Sunday sana, e, hiningi ko na sa manager ko, pero may mga trabaho rin namang hindi maiiwasan, kaya nagagamit ko rin ang oras na dapat, e, sa kanila na.
"Kaya this September, sama-sama kaming aalis ng mga bata, sa ibang bansa pa kami magba-bonding, e, mga Pilipino naman kaming lahat!" humahalakhak pang litanya ng pinakamagaling na komedyante ng kasalukuyang panahon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended