Mas magaganda ang musika noon
September 1, 2003 | 12:00am
Marami ang nagulat nang dumalo sa presscon ng Home Along Da Airport sa ABS-CBN si TJ Manotoc. Naging konklusyon ng lahat ay baka lilipat na ito ng kabilang istasyon. Pero, nang tanungin ko naman si TJ tungkol dito, sinabi niya na malayo sa kanyang ginawa ang iniisip ng lahat. Pumunta siya sa nasabing presscon para ma-interview si Aubrey Miles para sa kanyang programa sa IBC 13 na Celebrity DATCom.
Sinabi niya na naron na siya nang maisip niya na baka nga magkaroon ng kulay ang ginawa niya. Pero, late na kung aatras siya, naroroon na siya at naka-set na ang interview niya.
Speaking of TJ, unti-unti itong nagiging idolo ng masa. Kung nung una ay aloof ang mga fans dahil akala nila ay suplado ito, ngayon ay all out na ang suporta nila sa kanya sapagkat nakita nilang mabait ito pero may pagka-mahiyain lamang.
Maganda yung ginawa ng GMA na paglalagay kina Kyla at JayR sa seryeng Narito Ang Puso Ko na nagtatampok kina Jolina Magdangal at James Blanco. Maganda ang role niya bilang isang dying girl at sigurado ako na mas sisikat pa ang tandem nila ni JayR matapos silang mag-guest sa naturang palabas.
Maraming fans na ang kinikilig sa tandem ng dalawa bagaman at madalas pa ring sabihin ni Kyla na hindi sila isang item dahil may girlfriend na si JayR. Bilang bahagi ng SOP, nakikita ko na may rapport sila at ang trato ni JayR sa kanya ay pagtrato ng isang lalaki sa isang minamahal na babae.
Uso pa rin ang revivals. Kailan ba ako nakapanood ng isang show na ang mga tampok na performers ay ang mga nagbabalik na bandang Hotdog, Boyfriend, VST & Co. at ang Q & A na ang forte ay mga songs of the 60's. Patok ang palabas na ang karamihan sa mga nanood ay nabibilang pa sa alta sosyodad. Im sure, tipak ang nag-produce ng show. Kahit mahal ang tiket ay talaga namang walang pakialam ang mga gustong makarinig at makapanood ng mga awitin at performers na sumikat nung 60s.
Sabi rin ng editor ko, si Vero, SRO daw ang comeback concert ng The Boyfriends na ginanap last week sa Virgin Cafe. Obvious na na-miss ng tao ang mga awitin ng trio na nagbabalik bilang isang dueto dahil ang ikatlong member nila ay nasa US na.
Ang napapansin ko lang bukod sa mas magaganda ang mga awitin nung 60s to 80s ay may rhythm ang mga musikero nun. Maluma man ang mga awitin nila, hindi nawawala ang rhythm. At kapag narinig mo ito, hindi mo napapansin, gumagalaw na ang isa mong paa.
Sinabi niya na naron na siya nang maisip niya na baka nga magkaroon ng kulay ang ginawa niya. Pero, late na kung aatras siya, naroroon na siya at naka-set na ang interview niya.
Speaking of TJ, unti-unti itong nagiging idolo ng masa. Kung nung una ay aloof ang mga fans dahil akala nila ay suplado ito, ngayon ay all out na ang suporta nila sa kanya sapagkat nakita nilang mabait ito pero may pagka-mahiyain lamang.
Maraming fans na ang kinikilig sa tandem ng dalawa bagaman at madalas pa ring sabihin ni Kyla na hindi sila isang item dahil may girlfriend na si JayR. Bilang bahagi ng SOP, nakikita ko na may rapport sila at ang trato ni JayR sa kanya ay pagtrato ng isang lalaki sa isang minamahal na babae.
Sabi rin ng editor ko, si Vero, SRO daw ang comeback concert ng The Boyfriends na ginanap last week sa Virgin Cafe. Obvious na na-miss ng tao ang mga awitin ng trio na nagbabalik bilang isang dueto dahil ang ikatlong member nila ay nasa US na.
Ang napapansin ko lang bukod sa mas magaganda ang mga awitin nung 60s to 80s ay may rhythm ang mga musikero nun. Maluma man ang mga awitin nila, hindi nawawala ang rhythm. At kapag narinig mo ito, hindi mo napapansin, gumagalaw na ang isa mong paa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended