'Hindi ko type si Niño - Criselda Volks
August 31, 2003 | 12:00am
Sa wakas ay lumitaw na rin si Criselda Volks para sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Niño Muhlach. Siya ang naakusahang naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, lalo nat pinangalanan na siya ni Edith bilang third party sa naganap na hiwalayan.
Rebelasyon para sa amin ang sinabi ni Criselda na may anak na pala sila ni Cris Villanueva, dalawang taon na ngayon si Rafaeil, ang tunay na pangalan ng bata.
Yun pala ang dahilan kung bakit matagal na panahon ding nawala sa sirkulasyon si Criselda. Nagpaka-nanay muna pala siya kay Rafaeil, pero ngayon ay plano na niya uling bumalik sa showbiz nang tuluy-tuloy.
"We never had a relationship," simulang pahayag ni Criselda na si Niño ang tinutukoy. Kaya ayon sa kanya ay walang dahilan at karapatan si Edith para siya pagselosan at idamay sa problema nito kay Onin.
Magkaibigan lang sila ni Onin, ayon sa maganda pa ring si Criselda. Lumalabas man sila noon ay hindi naman silang dalawa lang dahil marami silang magkakaibigan sa grupo.
Aminado si Criselda na nang maging magkaibigan sila ni Onin ay pansamantala silang naghiwalay ni Cris Villanueva. Yun ang mga oras na lahat ng kaibigan ay napagsasabihan niya ng kanyang mga sama ng loob at isa nga ang dating child wonder sa mga nakinig sa kanya.
Pero hanggang dun lang daw yun, higit sa pagiging magkaibigan ay wala nang namagitan sa kanila ni Onin. Kaya nagulat na lang siya nang lumutang ang balitang homewrecker siya.
"Hindi ako galit sa kanila, nasaktan lang ako. I didnt like the impression na ako ang naging dahilan ng hiwalayan nila. Its not true, hindi ako ang dahilan, marami akong alam tungkol kay Niño na hindi ko na lang idedetalye pa, much better kung kayo na lang ang magtatanong sa kanya," makahulugan pang sabi ni Criselda.
Ang maganda kay Criselda ay hindi siya nagtatanim ng galit kahit sa mga taong nakapanakit ng kanyang damdamin. Kahit kay Edith ay may sinabi siyang kahanga-hanga, ganung ang pangalan na nga niya ang nalagay sa alanganin.
"Kung sa palagay niya, e, nasaktan ko siya deliberately which is not true naman, Im saying sorry to her. I cant blame her, thats just a natural reaction of a woman whos fed with the wrong information.
"Kahit naman siguro ako si Edith, ganun din ang gagawin ko, dahil ang akala nga niya, ako ang third party sa nangyari sa kanila ni Onin.
"But Im saying this, hindi ko type si Onin, hindi siya ang tipo ng lalaking makakarelasyon ko, ayoko sa mga lalaking madaldal, I love quiet men like Cris.
"Hindi ko siya pinipintasan or anything, pero talagang hindi ko type si Onin, meron akong alam tungkol sa kanya, pero ayoko na lang magsalita coz theyre fixing their differences now.
"Ang mali lang kay Onin, iba ang sinasabi niya kay Edith and hes telling me a different story also, kaya heto ngayon, siya ang naiipit," sabi pa ni Criselda.
Ang manager na niya ngayon ay si Ihman Isturco, dating manager ni Aleck Bovick, na marami ang nagsasabing kamukha raw niya. Ngiti lang ang reaksyon ni Criselda sa opinyon ng marami, hindi niya sinabing may pagkakahawig nga sila ni Aleck, pero hindi rin siya tumanggi.
"I want to clear lang na hindi ako homewrecker, hindi ko naging karelasyon si Niño, I want my name out of this mess, please lang," sabi pa ni Criselda Volks.
Maganda pa rin si Criselda, kahit ang anino ng panganganak ay wala sa kanyang itsura, at malakas pa rin ang kanyang karisma at dating.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended