^

PSN Showbiz

Tulungan natin si Inday sa kanyang laban

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ang takbo ng utak ni Kris Aquino ay walang direksyon, pabigla-bigla kasi siya, kung ano ang kanyang maisipang gawin ay walang makapipigil sa kanya.

Ewan kung ‘yun ang resulta ng kanyang pagiging spoiled o ‘yun na talaga ang kanyang kanaturalan, dahil siya mismo ay umaaming napaka-weird niya.

Kamakailan lang ay umiral na naman ang sumpong ni Kris. Dahil sa pinaghalong mga problemang personal at propesyonal ay nagplano siyang magtago ng ilang araw sa Baguio City, kasama ang kanyang anak na si Joshua.

Ang dahilan, nagkaroon sila ng away ni Mayor Joey Marquez na kung ano ang naging ugat ay simple lang daw naman sabi ng isang malapit sa kanila na nakausap namin. Kasabay ang problema niya sa pagri-reformat ng kanyang programang Game KNB?

Madalas daw kasing mag-away sina Kris at Mayor Joey, mga petty quarrels lang ‘yun na kung tutuusi’y pwede nang palampasin, pero pinalalaki lang ng TV host.

Magkakagalit sila ngayon at maya-maya lang ay magkakabati na naman, kaya para silang mga disiotso-anyos sa kanilang pagmamahalan.

Nagtampo naman si Kris sa Dos dahil ang gusto pala ng istasyon ay palitan na ang titulo ng Game KNB? sa kanilang pagri-reformat. Ayaw namang mangyari ‘yun ni Kris, dahil sobrang napamahal na sa kanya ang show.

‘Yun lang ang naging dahilan ng plano niyang pagtatago sana sa Baguio, kung hindi pa nagsuka nang paulit-ulit si Joshua ay hindi pa siya babalik, dahil tao lang daw naman siyang sumusuko sa mga problema paminsan-minsan.

Pero naisakripisyo na niya ang The Buzz, hindi siya dumating sa show sa kanyang nagluluka-lukahan. At hindi rin niya nasipot ang dapat sana’y make-up test niya sa Regal Films para sa Mano Po 2.
* * *
Sana nga, sa paglabas ng kolum naming ito, ay nakatuwid na sa kritikal na kundisyon ang aming nanay-nanayan sa mundo ng telebisyon na si Ate Luds (Inday Badiday).

Bago ginanap ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Traders Hotel ay nagkaroon siya ng stroke. Yun ang dahilan kung bakit hindi pantay ang kanyang bibig, at kung bakit nanghihina na rin siya.

Wala kaming kaalam-alam na nu’ng nakaraang linggo pala ay inatake na naman siya, kaya mabilisan siyang itinakbo sa ospital ng kanyang pamilya.

Nu’ng dumalaw ako kay Ate Luds na nasa ICU ng isang ospital ay nanghina ako nang makita namin ang kanyang kalagayan. Hindi na namin idedetalye pa kung anong uri ng paghihirap na pisikal ang pinagdaraanan niya ngayon, dahil masikip sa aming dibdib na maisip na nasa ganu’n siyang kundisyon.

Kumpleto ang kanyang pamilya nang dumalaw kami, ang mga kapatid na lang niyang nasa Amerika ang wala sa ospital. Binabantayan na nilang lahat ngayon ang kundisyon ng minamahal nilang kapamilya.

Ang hindi umaalis sa tabi ni Ate Luds ay si Direk Gene Palomo, ang ama ng kanyang bunsong si Clara Francesca (Klang-Klang). Palaging nakahawak sa kamay ng Reyna Ng Intriga si Direk Bo.

Damang-dama namin ang kalungkutan ng lahat ng naroon, maraming nagmamahal kay Ate Luds, punumpuno ng mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya ang waiting area ng ICU.

Panalangin ang hiling namin ngayon para ihandog kay Ate Luds, alam namin na ang sama-samang dasal ay mas mabisa at pinakikinggan ng langit. Kailangang-kailangan ngayon ni Ate Luds ang ating mga dalangin.

Patuloy sa paglaban ni Ate Luds, kaya sana’y samahan natin ang dalangin ang kanyang pakikipaglaban sa kritikal na bahaging ito ng kanyang buhay.

ATE

ATE LUDS

BAGUIO CITY

CLARA FRANCESCA

DIREK

GENE PALOMO

KANYANG

KUNG

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with