Bakit hindi maipalabas ang launching movie ni Juliana Palermo ?
August 30, 2003 | 12:00am
Marami ang nagsasabi na baka mabantilawan na ang launching movie ni Juliana Palermo na www.XXX. com under Maverick Films. Napakatagal na kasi nitong natapos gawin. Katunayan, ipinalabas ito ng isang araw sa ginanap na Makati Cinemanila International Film Festival. Na-preview na rin ito ng media sa Podium bago pa ang unang schedule ng regular showing nito nung August 27 na hindi natuloy at umatras ng August 29. At kung kailan handa na ang mga propaganda materials nito (billboards, posters and publicities) ay umatras muli ito ng Setyembre 10. Ang petsang ito ay tentative pa rin dahil hindi maitawid ang mga negatibo nito mula sa India hanggang Singapore na kung saan ay naghihintay dito ang direktor ng pelikula na si Tikoy Aguiluz.
Sayang, baka mawala na ang excitement dito ng mga manonood. Maganda pa naman ang pagkakagawa rito ni Aguiluz at may potensyal sa acting ang Fil-Am na si Juliana. Bukod pa sa matapang ito sa mga bold scenes niya, sa paghuhubad at mga lovescenes.
Magagaling din ang mga co-stars niya, like Gary Estrada, pang-award ang acting ni Gary sa movie. Samantala, marami ang nagsabi na gwapo sa pelikulang ito si Carlo Maceda, lalo na sa mga lovescenes nila ni Juliana.
Marami ring mga bagong mukha na makikita ang mga manonood na gumaganap ng roles ng mga web divas, ang unang inisip na titulo ng pelikula.
Hindi na lingid sa kaalaman ng tao ang mga nagaganap na internet, lalo na ang prostitusyon. At sana katulad ng nangyari sa pelikula, mahuli rin ang mga gumagawa ng krimeng ito para na rin sa kapakanan ng maraming kabataan na gumagamit ng internet para sa karagdagang karunungan at hindi cheap sex thrills.
Hindi naman chickboy si Christopher PJ Malonzo pero kapag may nali-link na Malonzo, lalo na sa isang artista, ay sa kanya agad ipinapasa. Tulad ni Nini Jacinto na naging girlfriend ng isang half-brother niya. Ganundin ng isang member ng Gee Girls na diumano ay may boyfriend na Malonzo rin. Di si PJ yun dahil matagal-tagal na rin sila ng kanyang girlfriend na dati ay regular sa pam-bagets na programa ni Kuya Germs at member ng Violett Belles.
Hindi naman apektado ng mga ganitong tsismis o intriga si PJ dahil bilang anak ng isang public official, nakaranas na rin silang maintriga. Ang mga ganitong pangyayari ay expected na rin niya bilang artista.
"As much as possible, low profile lang kaming magkakapatid. Kahit lumalabas kami, as much as possible, ayaw namin na nalalaman ng tao na anak kami ni Mayor Malonzo. We would like to be treated as normally and as ordinarily as possible. If we can, lumalabas kami nang walang driver o bodyguard," ani PJ na ang anonymity ay malapit nang mawala kapag naipalabas na ang tatlong pelikula na ginagawa niya.
"Tapos na ang Homecoming with Alessandra de Rossi. Gagawin ko pa ang Funtastic Man with Vic Sotto at Kapten Barbel with Ogie Alcasid and Bong Revilla," patuloy niya.
Sayang, baka mawala na ang excitement dito ng mga manonood. Maganda pa naman ang pagkakagawa rito ni Aguiluz at may potensyal sa acting ang Fil-Am na si Juliana. Bukod pa sa matapang ito sa mga bold scenes niya, sa paghuhubad at mga lovescenes.
Magagaling din ang mga co-stars niya, like Gary Estrada, pang-award ang acting ni Gary sa movie. Samantala, marami ang nagsabi na gwapo sa pelikulang ito si Carlo Maceda, lalo na sa mga lovescenes nila ni Juliana.
Marami ring mga bagong mukha na makikita ang mga manonood na gumaganap ng roles ng mga web divas, ang unang inisip na titulo ng pelikula.
Hindi na lingid sa kaalaman ng tao ang mga nagaganap na internet, lalo na ang prostitusyon. At sana katulad ng nangyari sa pelikula, mahuli rin ang mga gumagawa ng krimeng ito para na rin sa kapakanan ng maraming kabataan na gumagamit ng internet para sa karagdagang karunungan at hindi cheap sex thrills.
Hindi naman apektado ng mga ganitong tsismis o intriga si PJ dahil bilang anak ng isang public official, nakaranas na rin silang maintriga. Ang mga ganitong pangyayari ay expected na rin niya bilang artista.
"As much as possible, low profile lang kaming magkakapatid. Kahit lumalabas kami, as much as possible, ayaw namin na nalalaman ng tao na anak kami ni Mayor Malonzo. We would like to be treated as normally and as ordinarily as possible. If we can, lumalabas kami nang walang driver o bodyguard," ani PJ na ang anonymity ay malapit nang mawala kapag naipalabas na ang tatlong pelikula na ginagawa niya.
"Tapos na ang Homecoming with Alessandra de Rossi. Gagawin ko pa ang Funtastic Man with Vic Sotto at Kapten Barbel with Ogie Alcasid and Bong Revilla," patuloy niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended