Richard, Jinggoy nagpatawaran na
August 29, 2003 | 12:00am
Sa wakas ay tapos na rin ang mga patutsadahan mula sa panig nina Richard Gomez at dating Mayor Jinggoy Estrada. Nung nakaraang Lunes ay nagkasundo na ang magkabilang kampo, inurong na ni Richard ang mga asuntong isinampa nito laban kay Jinggoy dahil sa kaguluhang naganap nung nakaraang Star Olympics.
Nagtagpo ang dalawa sa hearing, pinakiusapan ng fiscal na iwanan ng kani-kanilang abogado ang dalawang aktor, pagkatapos ay pinag-ayos sila ni Fiscal Lorna Lee.
Dahil pareho namang lalaki at may maganda rin namang pinagsamahan ay pinakinggan nina Richard at Jinggoy ang mungkahi ng fiscal na ayusin na lang nila ang problema nang paupo. Sa halip na patayo, dahil magiging malaking abala lang ang pagdinig sa kaso sa kanilang napakaabalang propesyon.
Nagpaliwanagan ang dalawa, humingi ng dispensa si Mayor Jinggoy sa nagawa niyang pambabatok kay Goma at tinanggap naman ng morenong aktor ang panghihingi ng tawad ng aktor-pulitiko.
Hindi na nila binalikan pa ang naganap sa Star Olympics, kapag sinariwa pa nga naman nila ang nakaraan ay may mga sama lang ng loob na mabubuksan sa halip na magkasundo ay baka magkaroon pa sila nang matinding argumentong magpapalala sa sitwasyon.
Noon pa nagparating ng panghihingi ng sorry si Mayor Jinggoy kay Richard. Nabigla lang daw siya sa pangyayari kaya umabot sa pisikalan ang senaryo, paliwanag ni Mayor Jinggoy.
Singkuwenta porsiyento lang ang atensyon at pagtanggap na ibinigay ni Goma sa panghihingi ng paumanhin ni Jinggoy dahil hindi raw personal yun. Katwiran ni Goma ay hindi naman sa publiko nagkamali si Jinggoy, kundi sa kanya.
Personal na panghihingi ng tawad lang naman ang kailangang marinig ni Goma, na ibinigay naman nang sinsero ni Jinggoy sa kanilang paghaharap.
Wala ngang hindi nareresolbahan ang isang magandang komunikasyon. Kapag ang panghihingi ng tawad ay sinalubong ng isang bukas na puso, anumang problema ay tiyak na matatapos.
Pagkatapos ng hearing ay bumaba sina Richard at Jinggoy nang magkahawak-kamay na. Magkasundo na sila, at nang makausap namin si Mayor Jinggoy ay iba na ang sigla ng kanyang boses.
"Nagpapasalamat ako dahil tinanggap ni Goma ang panghihingi ko ng paumanhin, noon ko pa naman sinasabing Im sorry about what happened, kailangan ko lang siguro talagang sabihin yun sa kanya.
"Masaya ako dahil tapos na ang problema, salamat sa mga taong namagitan sa amin para mangyari ang pag-aayos na ito. Pero mas maraming salamat kay Richard sa ipinakita niyang pang-unawa sa paliwanag ko," sabi ni Mayor Jinggoy.
"Nakita mo na, kaya ayokong nakikipag-away kahit kanino, dahil bukas-makalawa, e, magkakasundo rin naman sila," natatawang sabi sa amin ng respetadong manager ni Goma.
Napakaliit nga naman kasi ng mundo ng showbiz, ang mga taong umiikot sa kwadradong kahong ito ay iilan lang, kaya tiyak na magkakatagpo rin at magkakaayos.
Sino nga ba ang mag-aakalang maaayos din agad ang hidwaan nina Richard at Jinggoy na nauwi pa nga sa pisikalan? Pero ang mga artista nga kahit maituturing na magkakalaban ay magkakaibigan pa rin, hindi nila kayang magtikisan nang matagalang panahon, dahil maliit nga ang mundo ng showbiz.
Ngayong nagkasundo na sina Mayor Jinggoy at Goma, kailan naman kaya mapatatawad ni Goma ang ginawang pamimitsera sa kanya ni Bayani Agbayani?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended